
Nitong nakaraang buwan, pinag-usapan sa Internet ang koleksyon ng mga scrunchie at headbands na nagkakahalaga ng mahigit PhP11,000. Pinagtalunan kung worth it nga ba ang mga scrunchie na ito at kung may handa bang magbayad ng ganong kalaking halaga.
Sa gitna ng diskusyong iyon ay lumitaw ang pangalan ng Nanay Liza Store, na nagbebenta ng mga scrunchie at headband sa mga halagang PhP15 hanggang PhP30, depende sa size nito. Ang Nanay Liza Store ay pagmamay-ari ni Liza Belza, isang 81 na taong gulang na lola mula sa Lipa, Batangas. Siya mismo ang nagtatahi at gumagawa ng kanyang mga binibentang scrunchie at headband.
Nakausap si Nanay Liza ng Good News at ayon sa kanya, ang pagbeneta niya ng mga scrunchis at headband, pati na rin ang pag live sell niya nito sa TikTok, ay Malaki ang naitulong sa kanya.
“Napakalaking bagay para sa akin lalo na 'yung 'pagla-live ko sa TikTok. Nakakasupport rin sa finance para sa aking arthritis at high blood,” saad niya.
Pang-apat sa labing-isang magkakapatid si Nanay Liza at nag-aral manahi at ng dressmaking pagkatapos hikayatin ng kanyang ama. Naging malaking tulong kay Nanay Liza ang pananahi dahil kapag kinakapos ang kita ng kanyang asawa, tumutulong siya sa pamamagitan ng pananahi at pagre-repair ng mga damit.
Salamat sa pagsisikap ni Nanay Liza at ng kanyang asawa, napalaki nila ang kanilang limang anak at naitaguyod ang kanilang pamilya, Naturuan din niyang manahi ang anak na si May Belza. Nakabili rin ng bahay ang kanilang pamilya dahil sa patuloy na pagpupursige ni Nanay Liza.
Noong pumanaw na ang kanyang asawa noong 2013, ibinenta ni Nanay Liza ang nabiling bahay at lumipat malapit sa tinitirhan ng kanyang mga anak. Dito niya nakita ang kanyang mga apo na nagbebenta online at na-inspire siya na gumawa ng scrunchie at ibenta rin ito.
Panoorin ang buong video sa baba
Isa lamang si Nanay Liza sa mga kwento ng tagumpay na nadiskubre ng Good News. Nariyan din sila Zenaida “Zeny” Paras Inato at Angelito “Lito” Inato na nakamit ang tagumpay salamat sa kanilang paresan, si Roy Carlo Villegas na dating mangangalakal na negosyante ngayon, at si Regnier Caligagan na nagsimula bilang tricycle driver at ngayon ay may-ari ng resort.
Panoorin ang Good News at iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox! Para naman sa on the go, 'wag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!
Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.