
Patuloy na lumalamig ang panahon, at dahil diyan, patuloy na naghahanap ng mainit at malinamnam na sabaw ang mga Pilipino. Para sa mga residente ng Parañaque, merong tindero ng balbacua na kanilang pinipilahan para sa masarap na putaheng ito.
Nakilala ng Good News si Nikki Boy “Mang Boy” Tajonera, isang tindero ng balbacua sa Parañaque. Tubong Davao si Nikki Boy at bata pa lamang ay pinasok na niya ang iba't ibang trabaho para kumita ng pera. Noong nasa Maynila na siya, naisipan niyang magsimula ng negosyong balbacua dahil walang nagtitinda nito no'n sa Maynila.
Nagsimula ang kanilang negosyo nito lamang 2024, at mula noon ay nakilala na ito bilang “authentic balbacua ni Mang Boy”. Ang recipe ng balbacua na sinusundan ni Nikki Boy ay mula sa bayan sa Davao kung saan niya unang natikman ang putahe. Gawa ito mula sa balat at laman ng baka na niluluto kasama ang mga sangkap at atsuete pampakulay. Malinamnam at malapot ang bersyon ng balbacua na ibinibenta ni Nikki Boy sa halagang PhP135 lamang.
Nagsimula ang kanilang negosyo bilang rolling store noon 2024, pero ngayon ay nagkaroon na ito ng tatlong lamesa at mga upuan.
Panoorin ang video sa baba.
Ang kuwento ni Nikki Boy ay isa lamang sa mga kuwento ng pagsisikap na natagpuan ng Good News. Nariyan ang storya ni Copper Andres na nagtagumpay sa kanyang chicken business kahit nabiktima ng scam dati ang kanyang ama.
Nariyan rin si Michael Gene Cendana at Mary Grace Aquino na may-ari ng Pinanag's On-The-Go Pastil. Salamat sa pastil, kumikita na sila ngayon ng PhP75,000 sa loob ng isang araw.
Nariyan rin si Noel Bautista na napaaral ang kanyang mga anak dahil sa nilupak, ang mag-asawang Ferdinand Atienza Sr. at Maria Atienza na napag-aral ang kanilang sampung anak sa pamamagitan ng pagbenta ng fishball at balut, at ang mag-asawang Zenaida “Zeny” Paras Inato at Angelito “Lito” Inato naman ay naitaguyod ang kanilang pamilya dahil sa kanilang paresan
Panoorin ang Good News at iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox! Para naman sa on the go, 'wag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!
Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.