GMA Logo Evangeline Iguia at ang kanyang tilapia hotdog
What's on TV

Good News: Subukan ang hotdog na gawa sa tilapia at malunggay

By Ron Lim
Published October 23, 2025 5:32 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PCG: Almost 200,000 outbound passengers seen in seaports during Holy Week
Get tested for free: why you must visit these diabetes screening hubs this April
Daig Kayo Ng Lola Ko: Children Adventure Stories (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News

Evangeline Iguia at ang kanyang tilapia hotdog


Naisipan ni Evangeline Iguia na gumawa ng tilapia hotdog pagkatapos magkasakit ang kanyang bunsong anak.

Kahit na paborito ng mga kabataan ang hotdog ay hindi maituturing na isa sa mga masustansyang pagkain na puwedeng ihain sa hapag-kainan. Pero paano kung may makagawa ng hotdog na hindi lang masarap, masustansya pa?

Binisita ng Good News ang Talim Island sa gitna ng Laguna de Bay para makausap si Evangeline Iguia, ang gumagawa ng hotdog mula sa tilapia at malunggay. Lumaki sa Talim Island si Evangeline bilang ika-walo sa siyam na magkakapatid. Sa Talim Island na siya lumaki, nag-asawa, at nagka-pamilya, at kasalukuyang may maliit na karinderya.

Hindi nakakagulat na merong karinderya si Evangeline dahil matagal nang hilig ni Evangeline ang pagluluto. Maliban sa pagbigay sa kaniya ng kabuhayan, ang kaalaman niya sa pagluluto ay naging malaking tulong sa kaniya nang nagkasakit ang kaniyang bunsong anak dahil sa isang food allergy. Dahil sa pangyayari, naisipan niyang gumawa ng tilapia hotdog na may malunggay. Nang ibinahagi niya ang kaniyang recipe sa isang vlog, nakakuha ito ng 40 million views.

Binisita ng Good News si Evangeline hindi lamang para malaman ang kaniyang kuwento, kundi para tulungan itong gawing negosyo ang kaniyang tilapia hotdog with malunggay. Kasama si Chef JR Royol, binigyan nila ng bagong recipe si Evangeline at binigyan din ng mga partner na magtitinda ng kaniyang tilapia hotdog sa Binangonan, Rizal.

Panoorin ang buong episode ng Good News sa baba.

Ang kuwento ni Evangeline ay isa lamang sa mga istorya ng pagsisikap na natagpuan Good News. Nariyan si Copper Andres na nagtagumpay sa kaniyang chicken business kahit na na-scam dati ang kaniyang ama.

Nariyan din si Michael Gene Cendana at Mary Grace Aquino na may-ari ng Pinanag's On-The-Go Pastil. Salamat sa pastil, kumikita na sila ngayon ng PhP75,000 sa loob ng isang araw.

Nariyan rin si Noel Bautista na napaaral ang kaniyang mga anak dahil sa nilupak, ang mag-asawang Ferdinand Atienza Sr. at Maria Atienza na napag-aral ang kanilang sampung anak sa pamamagitan ng pagbenta ng fishball at balut, at ang mag-asawang Zenaida “Zeny” Paras Inato at Angelito “Lito” Inato naman ay naitaguyod ang kanilang pamilya dahil sa kanilang paresan

Panoorin ang Good News at iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox! Para naman sa on the go, 'wag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!

Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.