Article Inside Page
Showbiz News
Kinuha ng Komisyon ng Wikang Filipino si Gov. Vilma Santos upang i-endorse na baguhin ang opisyal na pangalan ng bansa - from "Pilipinas" to "Filipinas."
By CHERRY SUN

PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com
Sa pagdating ng Buwan ng Wika, nais muling ipanukala ng Komisyon ng Wikang Filipino na gawing "Filipinas" ang ngalan ng ating bansa. Kaya si Gov. Vilma Santos, itinalaga nilang endorser.
Ani Virgilio Alamrio, Chairman ng Komisyon ng Wikang Filipino, layon nilang “Himukin ang taong bayan na isulong ang paggamit sa Filipinas, with a letter F.”
Dahil dito ay pinili nila ang Star for All Seasons upang tulungan sila sa kanilang petisyon.
“Alam kong hindi madali ito kasi unang-una ‘yung mga aklat natin, mga libro ng mga elementarya, ‘yan ang gamit na, ‘yan ang nakasulat. So medyo mahaba-habang campaign ito,” sabi ni Gov. Vi sa panayam ng Balitanghali.
Samantala, ang pagpapalit sa ngalan ng bansang Pilipinas ay binatikos ng marami, partikular na ng mga akademiko.