What's on TV

Grace, torn between Matthew and Joy

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated October 25, 2020 10:05 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Game Over: Navy uncovers espionage plot hidden in “Tetris” game app
Cebu makes a special appearance in K-drama 'Boyfriend on Demand'
Witness IDs suspect in killing of brgy chief in Iloilo

Article Inside Page


Showbiz News



Boyfriend na ni Grace si Matthew, pero hindi pa doon nagtatapos ang kuwento ng dalawa. Ano ang gagawin ni Grace ngayong alam na niya na ang lalaking napupusuan ni Joy ay walang iba kung hindi ang kanyang kasintahang si Matthew? 


Akala ko pa naman, kapag naging kami na ni Matthew ay magiging okay na ang lahat. Akala ko, pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan namin, happy ending na ang kasunod. Pero hindi pala. And it's not just Joy's leukemia I'm talking about, dahil nadadagdagan pa ang problema ko sa kanya.

Apparently, ang kinukuwento niya sa akin na doktor named Lucas ay si Matthew din pala. Hindi ko alam kung paano sabihin sa kanya na ang lalaking gusto niya ay boyfriend ko na, na iisang lalaki lang ang pinag-uusapan namin.

Willing naman si Matthew na tulungan akong sabihin kay Joy ang tungkol sa amin, pero natatakot ako na baka lalong lumala ang kalagayan ng kapatid ko. Ayokong dagdagan pa ang hirap na pinagdadaanan niya, at mas ayokong ako ang dahilan ng heartbreak niya.

Sinubukan ni Matthew na layuan si Joy, at nagkunwari pa siyang bad boy para ma-turn off ang kapatid ko. Pero mukhang malakas talaga ang tama ni Joy kay Matthew, kaya mas mahirap sabihin sa kanya ang totoo. Napagdesisyunan tuloy namin na huwag na lang muna sabihin ang tungkol sa amin. Hinintayin na lang namin na bumuti ang lagay niya. Nakakatulong din kasi ang pagkakagusto niya kay Matthew sa mabilis niyang recovery. Nagkakaroon daw siya ng dahilan para labanan ang kanyang sakit.

Hindi ko alam kung hanggang kailan kami magkukunwari ni Matthew para sa kapakanan ni Joy. Sana magkaroon na ako ng lakas ng loob na sabihin sa kanya ang lahat, at sana ay kaya ko nang ipaglaban ang pagmamahalan namin ni Matthew kahit ano pa ang mangyari.