
Naniniwala ang "Tanghalan Ng Kampeon 2025" grand finalist na si Shane Luzentales na hindi dapat sinasayang ang bawat opportunity na dumarating sa buhay.
Kuwento ni Shane, nagsimula ang kaniyang pangarap na maging singer sa kaniyang pagkabata hanggang sa mag-audition siya sa "Tanghalan Ng Kampeon" ng TiktoClock.
PHOTO SOURCE: TiktoClock
"Mula pagkabata pangarap ko na talaga ang maging professional singer. Palagi kong sinasabi noon na balang araw mapapanood din ako sa TV tulad ng mga iniidolo kong singer. Tinawagan ako ng close friend ko at hinikayat na mag-audition. Nagdalawang isip ako, nag-aalala na baka hindi pa ako ready. Pero na-realize na when an opportunity comes, kailangan i-grab agad. Naniniwala ako na kapag tumanggi ka sa isang magandang opportunity, baka hindi na ulit dumating."
Ayon pa sa grand finalist na si Shane, malaki ang pasasalamat niya sa mga taong naniwala sa kaniyang aabot siya sa grand finals.
"Now, I am here and I am doing my best, not just for myself but to all the people who kept on supporting me and believing in my talent. Especially my friends and my family na walang sawang sumusuporta sa akin."
Inamin din ni Shane na anak niya ang inspirasyon sa pag-abot ng pangarap na maging champion sa "Tanghalan Ng Kampeon."
"Noon gusto ko lang mapanood sa TV ng mga magulang at mga kaibigan ko. Now I have a stronger reason para abutin ang mga pangarap ko, ang aking anak. She gives my life purpose. Siya ang inspirasyon ko. Gusto kong makita niya na hindi marunong sumuko ang nanay niya. A mother who chooses hope, keeps believing, and keeps reaching for her dreams so she'll grow up knowing she can do the same."
Saad pa ni Shane, "Gusto kong matutunan niya na ang pinakamalakas na sandata na mayroon siya ay ang paniniwala sa sarili niyang kakayahan. Kung makakaramdam siya ng takot, the more she should go for it."
Panoorin ang kuwento ni Shane dito:
Abangan ang "Tanghalan ng Kampeon 2025: Ang Huling Bangaan" ngayong December 4, 11:00 a.m. sa TiktoClock.
SAMANTALA, NARITO ANG MGA GRAND FINALISTS NG TANGHALAN NG KAMPEON 2025: