GMA Logo Tahanang Pinakamasaya
What's on TV

Grand finals ng 'Dancing Duo Double Double' Special Edition, ngayong Sabado na!

By Jimboy Napoles
Published January 12, 2024 5:54 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Nine Cavs hit double figures during blowout of Pelicans
This show from Seoul features dashing oppas and will debut in Manila
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes

Article Inside Page


Showbiz News

Tahanang Pinakamasaya


Abangan ang grand finals ng “Dancing Duo Double Double Special Edition” ng 'Tahanang Pinakamasaya' ngayong Sabado.

Sa huling pagkakataon, magpapatalbugan sa sayawan ang apat na dancing duo sa grand finals ng “Dancing Duo Double Double Special Edition” ng Tahanang Pinakamasaya ngayong Sabado, January 13.

Kabilang sa apat na duo ay ang Team GlaiSser nina Glaiza De Castro at Yasser Marta, Team MC2 nina Michael Sager at Cassy Legaspi, Team MaIz nina Mavy Legaspi at Chariz Solomon, at Team BuoNa nina Buboy Villar at Alyona.

Mula sa walong teams, apat na duo na lamang ang natira na sasalang sa grand finals.

Noong nakaraang Sabado, January 6, iba't ibang special awards ang ibinigay sa mga teams para sa mga ipinakita nilang performances sa unang level ng kompetisyon.

Tinanghal na Best in Music ang Team MaIz, Best Actor si Buboy Villar, habang Best in Costume at Best in Intro VTR naman sina Winwyn Marquez at Kimpoy Feliciano.

Sino naman kaya sa natitirang teams ang mananalong grand winner?

'Wag palagpasin ang kanilang ultimate dance battle sa Tahanang Pinakamasaya ngayong Sabado, 11:30 a.m. sa GMA.