
Gaganapin na ang pinakamatinding banggaan ng mga boses sa nalalapit na grand finals ng "Tanghalan ng Kampeon" sa TiktoClock!
Sa June 12, 13, at 14, mapapanood na sa TiktoClock ang exciting na tapatan ng mga kampeon sa grand finals.
May pitong grand finalists na ang "Tanghalan ng Kampeon" na sina Sheena Palad, MC Mateo, Lucky Robles, Gary Villalobo, Rica Maer, Shamae Mariano, at Audrey Malaiba.
RELATED GALLERY: Meet 'TiktoClock's' Tanghalan ng Kampeon grand finalists
Sa ngayon ay patuloy pa rin ang banggaan ng boses sa "Tanghalan ng Kampeon". Abangan kung magkakaroon pa ng ika-walong kampeon bago ang grand finals.
Samantala, pati mga Tiktropa home viewers ay maaari ring manalo sa "Tanghalan ng Kampeon" grand finals. Pumili lang kung sino sa mga grand finalists ang magiging grand champion at kung tama ang hula ay magkakaroon ng pagkakataon ang home viewer na manalo ng PhP 20,000. Abangan ang iba pang detalye sa TiktoClock!
Per DTI Fair Trade Permit No. FTEB-194539 Series of 2024
Abangan ang grand finals ng "Tanghalan ng Kampeon" sa TiktoClock sa June 12, 13, at 14, 11:00 a.m. sa GMA Network at sa GTV. Mapapanood din ang TiktoClock sa YouTube via Kapuso Stream at sa TiktoClock Facebook page.