GMA Logo Binibining Pilipinas Grand parade of Beauties
Photo source: @aranetacity
What's Hot

Grand Parade of Beauties ng Binibining Pilipinas, kasado na

By Ron Lim
Published July 2, 2026 12:36 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Milestone reached: Marcos hails PH upper-middle-income status for economy
‘Shooting threat’ disrupts classes at Cebu school
Anne Curtis is the July cover star of local lifestyle magazine

Article Inside Page


Showbiz News

Binibining Pilipinas Grand parade of Beauties


Ang Binibining Pilipinas Grand Parade of Beauties ay gaganapin sa July 11 sa Araneta City Grounds.

Kailangan nang ayusin ng mga pageant fans and aficionados ang kanilang schedules dahil may paparating na event para makita nila ang kasalukuyang mga Binibining Pilipinas candidates nang malapitan.

Nag-announce ang Araneta City na gaganapin ang Binibining Pilipinas Grand Parade of Beauties ngayong July 11, 4 p.m., sa Araneta City Grounds. Ayon sa caption ng kanilang Instagram post, ang parade ay ang “grandest and most beautiful moment of the Binibini season.”

A post shared by Araneta City (@aranetacity)

Ang Grand Parade of Beauties ay mangyayari pagkatapos i-reveal ang beauty and body leaderboards ng mga candidates na kasali sa pageant ngayong taon.

Nangunguna sa top 10 ng beauty shots sina Mary Adeline Ramirez ng Malabon City, Zilanni Eve Rojas ng Zamboanga City, Kristeen Mia Lucero ng Bulacan, Christine Joelle Usaraga ng Cebu, at Georgette Nicole Coronation ng Carmona City sa top five.

Ang natitira naman sa top 10 ay sina Camille Bernadette Martin ng Cavite City, Samantha Marie Zabarte ng Dasmariñas, Britney Angel Rubino ng Antique, Gwyneth Jemimah Chan ng Cagayan de Oro City, at is Jarina Sandhu ng Isabela.

Samantala, ang nangunguna sa swimsuit body shot leaderboard ay si Britney Angel Rubino ng Antique. Kasunod niya ay si Ivy Padilla ng Misamis Oriental, Gwendoline Meliz Soriano ng Baguio City, Zilanni Eve Rojas ng Zamboanga City, at Anne Klein Castro ng Pampanga.

Nasa top six hanggang top 10 naman sina Alisa Keith Irugin ng Cavite City, Ma. Kathrina Pauline Cudia ng Nueva Ecija, Gwyneth Jemimah Chan ng Cagayan de Oro City, Ivy Oresca ng Bicol Region, at Shara Maxine Barber ng Palawan.

A post shared by NUSTAR Online (@nustaronline)

RELATED GALLERY: The Binibining Pilipinas queens dazzle with their beauty shots

Maliban sa mga photoshoots, abala rin ang mga candidates sa iba't ibang activities bago ang Binibining Pilipinas coronation night na gaganapin sa July 18 sa Smart Araneta Coliseum. Bilang parte ng kanilang advocacy work, binisita rin ng mga Binibining Pilipinas queens ang SOS Children's Village Philippines.

Gaganapin din ngayong araw, July 2, 3 p.m. sa New Frontier Theater, ang 2026 Binibining Pilipinas national costume competition. Sa caption ng kanilang Instagram post, sinabi ng Binibining Pilipinas organization na ang event ay showcase ng “beauty, culture, and creativity of the Filipino spirit.”

A post shared by Binibining Pilipinas (@bbpilipinasofficial)

Ang 36 finalists ay naglalaban-laban upang maging successor ng kasalukuyang Binibining Pilipinas International na si Katrina Anne Johnson.

RELATED GALLERY: The Binibining Pilipinas candidates bring the glam with their evening
gowns