Article Inside Page
Showbiz News
Ngayong Sabado (Sept 8), ipagdiriwang ng Tropang Potchi ang Grandparents’s day sa pamamagitan ng pagbisita ni Lola White (Nova Villa) sa kanyang apo na si Sabrina Man (Sab) sa tambayan ng Tropang Potchi.

Bibisitahin ng groovy at cool na si Lola White ang kanyang apong si Sab sa Tropang Potchi tambayan. Ngunit sa pagbisita ni Lola, hindi magugustuhan ni Sab ang ikinikilos at pananamit ng kanyang lola.
Samantala, sina Liane Valentino (Liane), Isabel Frial (Lenlen), at Nomer Limatog (Nomer) ay magiliw sa pagkukuwento nang naging pagsali nila sa naganap na Doggie Fest. Magkakaroon pa sila ng kumpetisyong tinawag nilang Protege! The battle for the big aso-artista break! Bukod doon, ikukukwento rin nila ang tungkol sa mga Marionette, isang uri ng puppet na nakatali upang mapagalaw tulad ni Pinocchio.
Ano kaya ang mararamdaman ni Lola White sa mga binitawang salita ni Sab tungkol sa kanyang ikinikilos at pananamit? Magkakaayos pa kaya silang mag-lola?
Alamin sa Tropang Potchi ngayong Sabado, September 8, 9am sa GMA.