GMA Logo Grazilda
What's on TV

'Grazilda', mapapanood na sa GTV!

By Kristine Kang
Published June 26, 2026 11:45 AM PHT

Around GMA

Around GMA

NBI: Strong indication Bato dela Rosa still in PH
Farm to Table: Food adventure with Susan Enriquez!
Alex Eala, 'immensely grateful to learn' from tennis legend Venus Williams

Article Inside Page


Showbiz News

Grazilda


Abangan ang 2010 GMA series na 'Grazilda' ngayong June 29!

Isa sa mga paboritong classic fairy tales ng lahat ay ang kuwento ni Cinderella.

Mula sa kanyang paghihirap sa kamay ng kanyang stepmother at stepsisters, natupad ang kanyang happily ever after sa tulong ng mahika at pag-ibig.

Ngunit paano kung ang paboritong princess fairytale ay hindi pala ang buong kuwento sa kanilang mundo?

Humanda sa pagbabalik ng ating paboritong stepsister dahil mapapanood muli ang 2010 romance-drama series na Grazilda!

Balikan ang kuwento ni Grazilda (Glaiza De Castro), isa sa mga wicked sisters na nagpilit suotin ang glass slipper upang agawin si Prince Charming.

Ano nga ba ang nangyari sa kanya matapos makamit ni Cinderella ang kanyang happily ever after?

Panoorin ang unang lead role ni Glaiza De Castro, kasama ang cast tulad nina Geoff Eigenmann, Yasmien Kurdi, Gwen Zamora, Jolina Magdangal, at ang late actress na si Cherie Gil.

Makukuha rin ba ni Grazilda ang kanyang happily ever after?

Abangan ang fantasy romance-drama series na Grazilda simula ngayong June 29, weekdays, 4:45 p.m. sa GTV.

Samantala, silipin ang stylish photos ni Glaiza De Castro sa gallery na ito: