
Napatalon sa saya ang team Great Man of the Universe Ph nang maipanalo nila ang PhP200,000 jackpot prize sa kanilang paglalaro sa trending weekday game show ng GMA na Family Feud ngayong Biyernes, February 10.
Ang nasabing winning team ay binubuo ng male pageant winners na sina Apple Lao, Joshua Lillehagen, Stephen Lilley Jr., at Mark Aberion.
Sa episode na ito ay nakalaban nila ang ilan sa mga reporters ng online news cast ng GMA -- ang Stand For Truth na sina JM Encinas, Amielle Ordonez, Lilian Tiburcio, at Abby Espiritu.
Sa first round ay nakakuha agad ng 65 points ang Great Man of the Universe Ph. Pagdating sa second round ng game, nakabawi naman ang team Stand for Truth sa score na 76 points.
Pagdating sa third round kung saan double na ang points na maaring makuha, muling nakabawi ang team Great Man of the Universe Ph sa score na 189 points.
Sa fourth round, mas naungusan pa ng winning team ang Stand for Truth nang makuha nila ang tatlong survey answers sa tanong na, “Anong bahagi ng katawan ang sumasakit kapag malala o grabe ang sipon?” Dito ay nakakuha sila ng mataas na final score na 476 points.
Sina Apple at Mark ang sumalang sa last round o fast money round kung saan nakabuo sila ng mataas na score na 239 points na lagpas pa sa kinakailangang score upang makuha ang jackpot prize na PhP200,000.
Makakatanggap naman ng PhP20,000 ang Tahanan ng Pagmamahal Children's Home bilang napiling charity ng Great Man of the Universe Ph habang nag-uwi pa rin ng PhP50,000 ang team Stand for Truth.
Tumutok sa Family Feud kasama si Dingdong Dantes, Lunes hanggang Biyernes, 5:40 ng hapon sa GMA. Maaari rin itong mapanood via livestream sa Family Feud YouTube channel at Family Feud show page sa GMANetwork.com.
KILALANIN ANG ILAN PANG NAGING JACKPOT WINNERS SA FAMILY FEUD SA GALLERY NA ITO: