GMA Logo PDLs Lipa City Jail, Green Bones
What's Hot

'Green Bones,' nagpaiyak sa mga PDL ng Lipa City Jail

By Kristine Kang
Published July 3, 2025 7:00 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'Short-lived' La Niña to affect PH until early 2026 —PAGASA
4 hurt in Maguindanao del Sur explosion
A for A On Playlist

Article Inside Page


Showbiz News

PDLs Lipa City Jail, Green Bones


Naantig din ang mga puso ng PDLs sa kuwento ng award-winning film na 'Green Bones.'

Patuloy na pinupusuan ng netizens ang nakakaantig na istorya ng inspirational-drama film na Green Bones.

Mula nang ipinalabas ito sa mga sinehan hanggang sa digital streaming platform na Netflix, umaapaw ang suporta at pagmamahal ng netizens sa award-winning film.

Pati rin ang mga persons deprived of liberty (PDL), hindi rin maiwasang maging emosyonal sa panonood nito.

Sa isang post ng GMA Public Affairs, ipinakitang nagsama ang ilang PDLs sa Lipa City Jail para tunghayan ang madamdaming istorya ni Domingo Zamora (Dennis Trillo) at Xavier Gonzaga (Ruru Madrid).

Ayon sa kanilang warden, may mga hindi mapigilang umiyak habang at pagkatapos panoorin ang Green Bones.

"They are still human, still dreaming, still healing,” nakasulat sa captions.

A post shared by GMA Public Affairs (@gmapublicaffairs)

Ang award-winning film na Green Bones ay binuo ng GMA Pictures, GMA Public Affairs, at Brightburn Entertainment.

Ito ay idinerehe ni Zig Dulay, isinulat nina Ricky Lee at Angeli “Anj” Atienza base sa konsepto ni JC Rubio.

Bida rin dito ang magagaling na cast na sina Alessandra de Rossi, Wendell Ramos, Michael de Mesa, Ronnie Lazaro, Mikoy Morales, Royce Cabrera, Gerhard Acao, Raul Morit, Sienna Stevens, Sofia Pablo, Victor Neri, Kylie Padilla, Ruby Ruiz, Pauline Mendoza, at Enzo Osorio. May special participation din sina Iza Calzado at Nonie Buencamino.

Panoorin ang nakakaantig na istorya ng award-winning film na Green Bones sa Netflix!

Samantala, tingnan dito ang positive reactions ng netizens sa Green Bones: