GMA Logo Green Bones in Hundred Islands Film Festival
Photo by: zigcarlo (IG)
What's Hot

'Green Bones,' pinusuan sa Hundred Islands Film Festival

By Kristine Kang
Published August 27, 2025 1:01 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Still no buyer of Discaya’s Rolls-Royce with free umbrella at Customs 2nd auction
A for A On Playlist
Nearly P20M alleged smuggled cigarettes, shabu seized in Sultan Kudarat

Article Inside Page


Showbiz News

Green Bones in Hundred Islands Film Festival


Marami ang nadala sa emosyon ng award-winning film na 'Green Bones.'

Puno ng energy at emosyon ang naging screening ng inspirational-drama film na Green Bones.

Nitong August 26, nagsilbi itong opening film sa Hundred Islands Film Festival sa Don Leopoldo Sison Convention Center.

Personal na ipinakilala ng award-winning director na si Zig Dulay ang pelikula sa mga nanood, na lalo pang nagbigay bigat at saysay sa espesyal na gabi.

Sa isang post ng GMA Pictures, makikitang hindi napigilan ng mga manonood ang kanilang reaksyon sa bawat eksena. May mga napatili, napatayo, at naluha habang sabay-sabay nilang naranasan ang madamdaming kwento ng pelikula.

"An audience of over 2,000 filled the venue with energy and emotion during the 'Green Bones' screening at the Hundred Islands Film Festival -- a powerful testament to the film's impact and to Alaminos City's unwavering love for cinema," ayon sa caption ng GMA Pictures.

Ang naturang video ay ipinost din ni Direk Zig sa kanyang Instagram, kung saan nagpasalamat din siya sa suporta at pagtangkilik ng viewers sa pelikula.

A post shared by GMA Pictures (@gmapictures)

Patuloy nagbibigay ng inspirasyon at paghanga ang Green Bones sa mga Pilipino.

Kamakailan lang ay nanalo ito ng Best Screenplay Award sa 73rd Filipino Academy of Movie Arts and Sciences Awards (FAMAS). Higit pa rito, ang inspirational-drama film ay isa sa mga napiling Philippines' official entry sa Oscars 2026.

Samantala, patuloy mapapanood ang award-winning film na Green Bones sa digital streaming platform na Netflix.

Balikan dito ang mga naging reaksyon ng netizens pagkatapos panoorin ang Green Bones online: