
Nakasamang humataw sa TikTok ng Gueco twins na sina Vito at Kiel ang ilang co-stars sa Encantadia Chronicles: Sang'gre.
Kasalukuyang mayroong mahigit 1.9 million followers at 20 million likes sa TikTok ang Gueco Twins, kung saan talaga namang maraming netizen ang natutuwa sa kanilang mga TikTok dance video.
Iba't ibang celebrities na rin ang nakakasama nina Vito at Kiel sa kanilang videos, ilan dito ay ang Sang'gre co-stars na sina Bianca Umali, Rhian Ramos, at Shuvee Etrata.
Hindi nagpahuli sina Vito at Kiel sa "We Made It" dance trend kasama si Bianca na mayroon na ngayong mahigit 246,600 views at 12,500 likes.
@gueco_gabby Hello Terra! 🖤 #Sanggre #guecotwins #EncantadiaChroniclesSanggre ♬ original sound - jayjoseph.j2x
Game din na humataw si Rhian sa TikTok dance craze na ito kasama ang Gueco twins na umani ng mahigit 55,700 views at 3,700 likes.
@gueco_gabby Cutieee! 🤍 ate @Rhian Ramos so galing 🤗🤘🏼 #guecotwins #rhianramos #foryoupage ♬ original sound - Phoebe
Hindi naman napigilang mapatawa nina Vito, Kiel, at Shuvee sa cute na TikTok video na ito.
@gueco_gabby HAHAHAHAHA @Shuvee Etrata #guecotwins #EncantadiaChroniclesSanggre #Sanggre ♬ original sound - Ewelle🎧 - E 🕷️
Sa Sang'gre, mapapanood sina Vito at Kiel bilang ang nakatutuwang kambal na sina Mantuk at Tukman.
Mapapanood naman si Bianca bilang Terra, ang bagong tagapangalaga ng Brilyante ng Lupa at Rhian bilang Mitena.
MAS KILALANIN ANG GUECO TWINS NA SINA VITO AT KIEL SA GALLERY NA ITO: