What's on TV

Gueco twins, labis ang pasasalamat sa fans ng 'Sang'gre'

By Kristine Kang
Published October 20, 2025 7:16 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Pinoy nurses in US join strike to call for safer staffing, better pay
P22,000 cash, laptop lost to burglar in Iloilo City

Article Inside Page


Showbiz News

Kiel Gueco and Vito Gueco, Gueco twins


Mapapanood ang Gueco twins bilang sina Mantuk at Tukman sa 'Encantadia Chronicles: Sang'gre.'

Isa sa mga inaabangan ngayon ng viewers at Encantadiks ay ang nakakatawang chemistry nina Kiel at Vito Gueco sa GMA superserye Encantadia Chronicles: Sang'gre.

Dahil sa kanilang natural na good vibes, madaling nagagampanan ng Gueco twins ang mga karakter na sina Mantuk at Tukman.

Sa kanilang pagbisita kamakailan sa Unang Hirit, ibinahagi ng dalawa ang kanilang labis na pasasalamat sa mga tagasuporta.

"Grabe po sobrang tuwang-tuwa po kami. Kasi every time after namin panoorin 'yung Sang'gre gabi-gabi, ang dami pong nagta-type po sa amin sa social media," kuwento ni Kiel. "Nakakatuwa po talaga Encantadiks. Maraming-maraming salamat po sa inyo."

Hindi lang sa harap ng kamera nakikita ang kanilang kulit, dala rin nila ito kahit off-cam! Madalas pa nga ay nakikipagkulitan sila sa kanilang co-stars, kabilang si Kera Mitena (Rhian Ramos) sa mga behind-the-scenes moments ng Sang'gre.

"Sa vlogs po namin very makulit din po talaga kami. Palagi po kaming nagkukulitan sa bahay. Kinukulit po namin sila mommy, ate, kaming dalawa po," ani Vito.

Tila rin hindi naghihiwalay ang dalawa dahil palagi sila magkasama sa kalokohan, vlogs, at dance covers.

"Every time po na nagkakaroon kami ng individual like guestings, nakaka-miss pala," pabirong sinabi ni Kiel.

Bilang mga anak ni Wantuk (Buboy Villar), magkasamang lumalaban sina Mantuk at Tukman kasama ang mga Sang'gre lalo na si Adamus (Kelvin Miranda).

Kuwento ng dalawang stars, nagagamit nila ang kanilang dance skills para sa kanilang intense na fight scenes.

"Para po siyang sayaw lang. May steps po siya, rhythm, bilang, beat," sabi ng dalawa.

Patuloy mapapanood ang Gueco twins sa GMA superserye na Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.

Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network. Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.

Kilalanin pa ang Gueco twins sa gallery na ito: