
Patuloy na kaabang-abang ang mga eksena at istorya sa GMA Prime telefantasya na Encantadia Chronicles: Sang'gre!
Mula sa makapigil-hiningang aksyon hanggang sa mga nakaaantig na tagpo, gabi-gabing pinupusuan ng viewers ang bagong yugto ng fantaserye.
Hindi lang ang Encantadiks ang aliw na aliw, pati na rin ang buong cast ng programa!
Isa na rito ang Gueco twins na sina Vito at Kiel, na gumaganap bilang sina Mantuk at Tukman. Sa kanilang Facebook post, kinaaliwan ng fans ang kanilang reaction video habang pinapanood ang sariling mga eksena.
Mula sa mga nakakatawang sampalan at banters hanggang sa panggagaya ng boses ni Ima, game na game ang kambal sa kanilang kulitan.
"Kailan ba kasi darating? Asan ka na Sang'gre Terra?" komento ng dalawa sa isang eksena. "Akashic! Ginagaya si Nunong Imaw! Ano guys, comment n'yo!"
Bukod sa kanilang nakakatawang reaksyon, ibinahagi rin ng kambal ang behind-the-scenes ng The Sang'gre Experience.
Kasama sa kanilang kulitan ay sina Jon Lucas, Luis Hontiveros, at Shuvee Etrata.
"Nagbabalik ang ating itlog," biro ni Luis kay Shuvee.
"Sa lahat ng nagmamahal sa akin, tingnan n'yo kung paano ako binu-bully!" pabirong hirit naman ng Kapuso actress.
Abangan ang Encantadia Chronicles: Sang'gre, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:40 p.m. sa GTV.
Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network.
Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.
Balikan ang highlights ng The Sang'gre Experience sa gallery na ito: