
Simula ngayong Lunes, March 2, mabibigyan na ng mas maraming pagkakataon ang mga manonood na manalo sa "Guess More, Win More Promo" ng Family Feud!
Bilang pagdiriwang sa ika-4 na anibersaryo ng pinakamamahal na family gameshow ng bansa, makikita rin ang "Guess More, Win More Promo" questions sa Hating Kapatid, House of Lies, Fast Talk with Boy Abunda, Apoy sa Dugo,Delightfully Deceitful, Encantadia Chronicles: Sang'gre, at Never Say Die.
Bukod dito, magbibigay pa rin ng tatlong tanong ang host na si Dingdong Dantes sa loob ng programa.
Tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda mula Monday to Friday, 4:45 p.m. at hintayin ang promo questions sa commercial breaks ng Kapuso talk show sa telebisyon.
Para i-submit ang entries, bumista sa www.gmanetwork.com/familyfeudguessmorewinmore at ilagay ang sagot sa tanong, at mga detalye tulad ng full name, complete address, birthday, email address, at mobile number.
Maaari lamang mag-submit ng entries mula Lunes hanggang Biyernes, hanggang 10:00 p.m.
Tandaan na tanging ang entries na ipinadala sa promo website ang valid at may pagkakataong mapili bilang isa sa walong daily winners ng PhP 10,000 daily at isang weekly winner ng PhP 100,000.
Para sa full mechanics ng promo, bumisita sa promo page.