GMA Logo Family Feud Guess More Win More 2026
What's on TV

Guess More Win More promo ng Family Feud, magbabalik ngayong 2026!

By Maine Aquino
Published January 9, 2026 5:33 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Filmmaker Roni Bertubin passes away
One The Woman: Julie, anak ng arsonist na pumatay sa ama ni Steve!
Mandaue City reuses portion of old dumpsite for garbage disposal

Article Inside Page


Showbiz News

Family Feud Guess More Win More 2026


Ang Guess More, Win More ng 'Family Feud' ay muling mamimigay ng kalahating milyong piso linggu-linggo simula January 12, 2026!

Exciting ang simula ng 2026 dahil magbabalik na sa Family Feud ang Guess More, Win More promo!

Araw-araw ay siguradong panalo ang mga manonood ng Family Feud dahil simula January 12, 2026, muling mamimigay ng kalahating milyong piso linggu-linggo sa Guess More, Win More Promo.

Kasabay ng pagbabalik ng Guess More, Win More promo ay ang bago at exciting episodes ng Family Feud.

May eight daily winners na maaaring makapaguwi ng PhP 10,000, habang mayroon namang PhP 100,000 na naghihintay para sa isang weekly winner ng Family Feud.

Sa Guess More, Win More promo noong 2025 ay mayroong masuswerteng nakapag-uwi ng PhP 100,000 mula sa iba't ibang lugar sa bansa. Dalawa sa mga masuswerteng nanalo ay sina Agnes Villarin from Marikina City at Rosemarie Monte from Pangasinan na bumisita pa sa Family Feud studio.


Para sumali, manood lamang ng Family Feud tuwing 5:40 p.m. sa GMA at sagutin ang mga inihandang tanong na ipalalabas sa bawat episode.

Ipadala ang entries sa promo website na GMANetwork.com/familyfeudguessmorewinmore. Ilagay ang sagot, full name, complete address, birthday, email address, and mobile number. Puwede ring i-scan ang QR Code na ipalalabas sa screen para makarating sa promo website. Ang mga makakapag-submit lamang ng entries sa promo website ang may pagkakataong manalo sa Guess More, Win More promo.

Para sa kabuuang detalye, bisitahin lamang ang website promo page.

Manood at manalo sa Guess More Win More promo ng Family Feud simula January 12, 2026 hanggang June 27, 2026.

DTI Fair Trade Permit No. FTEB-246167 Series of 2026.