
Araw-araw ay panalo ang mga manonood ng Family Feud!
Bukod sa mga exciting at kaabang-abang na celebrity survey showdown, may inihanda rin ang Family Feud na papremyo para sa mga manonood.
Sa Guess More Win More promo, maaaring makihula at manalo sa pinakamasayang family game show sa buong mundo. Kada episode ay mga mananalo ng PhP 10,000 at every week ay may makakapag-uwi ng PhP 100,000.
Para sumali, manood lamang ng Family Feud tuwing 5:40 p.m. sa GMA. Sagutin ang mga inihandang mga tanong na ipalalabas sa bawat episode. Ang mga sasali sa Guess More Win More promo ay maaari lamang mag-submit ng isang entry sa bawat tanong.
Ipadala ang entries sa www.gmanetwork.com/FamilyFeudGuessMoreWinMore. Ilagay ang sagot, full name, complete address, birthday, email address, and mobile number. Puwede ring i-scan ang QR Code na ipalalabas sa screen para makarating sa promo website.
Para sa kabuuang detalye, bisitahin lamang ang website promo page.
Manood at manalo sa Guess More Win More promo ng Family Feud simula August 18.
DTI Fair Trade Permit No. FTEB-232675 Series of 2025