
Tuloy ang pamimigay ng cash prizes dahil simula ngayong Hunyo, eksklusibo nang mapapanood sa Family Feud ang mga tanong para sa Guess More Win More promo!
Tumutok at sumali para magkaroon ng pagkakataong mapasama sa mga mapapalad na mananalo ng cash prizes. Mas exciting pa dahil mamimigay ang Family Feud ng hanggang Php500,000 kada linggo.
Para makasali, manood lamang ng Family Feud mula Lunes hanggang Biyernes at abangan ang mga promo questions na ipapakita sa bawat episode.
PHOTO SOURCE: Family Feud
May dalawang paraan para makapagpadala ng entry. Una, i-click ang URL mula sa official Facebook account ng Family Feud o i-type ang promo URL na makikita sa programa. Pangalawa, maaaring i-scan ang QR code na lalabas sa screen upang direktang ma-access ang Guess More Win More promo website. Sagutin ang tanong at punan ang mga kinakailangang personal na impormasyon.
Araw-araw maaaring sumali kaya tutok na sa Family Feud, Lunes hanggang Biyernes, 5:35 p.m. sa GMA.
Para sa kabuuang detalye bisitahin ang www.gmanetwork.com/FamilyFeudGuessMoreWinMore