GMA Logo Family Feud Guess More Win More Promo, Hating Kapatid
What's on TV

Guess More, Win More Promo: Subaybayan ang 'Hating Kapatid' para sa chance manalo ng cash

By Dianne Mariano
Published February 28, 2026 4:39 PM PHT
Updated February 28, 2026 5:04 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Daig Kayo Ng Lola Ko: Children Adventure Stories (Full Episodes Marathon) | Stream Together
OCD warns residents near Mayon Volcano about possible pyroclastic fall, ashfall
Healers, herbalists gather in Siquijor anew for healing festival

Article Inside Page


Showbiz News

Family Feud Guess More Win More Promo, Hating Kapatid


Tutukan ang "Guess More, Win More Promo" sa 'Hating Kapatid' para sa pagkakataon na manalo ng Php 100,000.

Mayroong bigating sorpresa ang "Guess More, Win More Promo" ng Family Feud dahil simula ngayong Lunes (March 2) ay mabibigyan na ng mas maraming pagkakataon ang viewers na manalo.

Makikita na rin ang "Guess More, Win More Promo" sa iba pang Kapuso shows, kabilang ang GMA Afternoon Prime series na Hating Kapatid, na pinagbibidahan ng Legaspi family, bilang pagdiriwang ng fourth anniversary ng family game show.

Tulad ng nakasanayan, maghahain pa rin ng tatlong tanong ang Family Feud host na si Dingdong Dantes sa loob ng naturang programa.

Abangan ito sa Hating Kapatid, Lunes hanggang Biyernes, 2:30 p.m., at hintayin ang promo questions sa commercial breaks.

Para i-submit ang entries, bumisita sa www.gmanetwork.com/familyfeudguessmorewinmore at ilagay ang sagot sa tanong, at ang iba pang mga detalye tulad ng full name, complete address, birthday, email address, at mobile number.

Maaari lamang mag-sumite ng entries mula Lunes hanggang Biyernes, hanggang 10:00 p.m.

Ang entries na ipinadala lamang sa promo website ang may chance na manalo sa "Guess More, Win More Promo."

Tandaan na tanging ang entries na ipinadala sa promo website ang valid at may chance mapili bilang walong daily winners ng PhP 10,000 at isang weekly winner ng PhP 100,000.

Bumisita sa www.gmanetwork.com/familyfeudguessmorewinmore para sa full mechanics ng promo.