
May bigating sorpresa ang "Guess More, Win More Promo" ng Family Feud dahil simula ngayong Lunes (March 2) ay mabibigyan na ng mas maraming pagkakataon ang manonood na manalo.
Bilang pagdiriwang sa ikaapat na anibersaryo ng family game show, makikita na rin ang "Guess More, Win More Promo" sa iba pang Kapuso shows, kabilang ang hit fantaserye na Encantadia Chronicles: Sang'gre.
Tulad ng nakagisnan, maghahain pa rin ng tatlong tanong ang Family Feud host na si Dingdong Dantes sa loob ng programa.
Abangan ito sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, Lunes hanggang Biyernes, 8:05 p.m. at hintayin ang promo questions sa commercial breaks.
Para i-submit ang entries, bumisita sa www.gmanetwork.com/familyfeudguessmorewinmore at ilagay ang sagot sa tanong, at mga detalye tulad ng full name, complete address, birthday, email address, at mobile number.
Maaari lamang mag-submit ng entries mula Lunes hanggang Biyernes, hanggang 10:00 p.m.
Ang entries na ipinadala lamang sa promo website ang may pagkakataong manalo sa "Guess More, Win More Promo."
Tandaan na tanging ang entries na ipinadala sa promo website ang valid at may pagkakataong mapili bilang walong daily winners ng PhP 10,000 at isang weekly winner ng PhP 100,000.
Para sa full mechanics ng promo, bumisita sa www.gmanetwork.com/familyfeudguessmorewinmore.