What's Hot

Gumuho na landfill sa Cebu City, mahigit 30 katao natabunan

By Bianca Geli
Published January 13, 2026 2:25 PM PHT

Around GMA

Around GMA

2 trafficking victims who posed as House employees rescued in Cebu - BI
'Heated Rivalry''s Connor Storrie and Hudson Williams look dapper at Golden Globes debut
206 rockfall events, 63 uson recorded on Mayon from Jan 12 to 13, 2026

Article Inside Page


Showbiz News

kapuso mo jessica soho


Nagulantang ang Barangay Binaliw sa Cebu City matapos gumuho ang tambak ng basura sa landfill, na nagresulta sa pagkakatabon ng mahigit 30 katao

Nagulantang ang mga residente ng Barangay Binaliw sa Cebu City matapos gumuho ang tambak ng basura sa kanilang landfill, na nagresulta sa pagkakatabon ng mahigit 30 katao.

Agad na ikinasa ang rescue operations habang oras ang kalaban sa paghahanap ng mga posibleng survivor.

Ayon sa ulat, pasado alas-4 ng hapon nang mangyari ang insidente. Bigla umanong nakarinig ng malakas na ugong ang mga nakatira sa paligid ng landfill bago tuluyang rumagasa ang gabundok na basura pababa sa paanan nito, kung saan matatagpuan ang opisina at production facility.

Isang residente ang nagbahagi ng kanyang karanasan sa gitna ng pangyayari. Saad niya sa Kapuso Mo, Jessica Soho, "Pagkapasok-pasok ko mga siguro mga two minutes narinig ko na 'yung akala ko alindol, e. Paglabas ko nakita ko parang may usok na dito. 'Tapos, paglingon ko. diyan nakita ko yung basura."

Dahil sa lakas ng pagguho, bumigay ang ilang istruktura sa lugar. "Ang basura rumagasa papunta sa opisina at production facility na nasa paanan lang ng landfill. Kaya ang mga estrukturang ito bumigay."

Isa sa mga nakaligtas ay si Evelyn Largo, isang trabahador sa landfill na nagse-segregate ng basura sa unang palapag ng pasilidad nang mangyari ang insidente. \

Ayon sa kanya, "Ni-cover ko sa kanang machine nga magpress sa mineral, ma'am, dayon ma'am nag-ana ko sa akong ulo kay nag-hard hat man ko naiwas ko sa kan nagawas ko sa building."

(Natabunan po ako ng malaking makinang nagpe-press ng mineral, ma'am. Pero naisip ko agad na naka-hard hat naman ako kaya nakaiwas ako at nakalabas ng building.)

Gayunman, tinatayang nasa 50 sa kanyang mga kasamahan ang na-trap sa ilalim ng mga basura.

Ayon kay FSSupt. Rogelio Bongabong Jr., Assistant Regional Director for Operations ng Bureau of Fire Protection Region VII, delikado ang kondisyon ng lugar.

"Ang basura ay madali lang talaga siyang magalaw kaya hindi talaga siya stable. Kaya nag-shoring tayo para gawing safe 'yung papasukan ng mga rescuer natin na bumbero."

Dahil sa patuloy na paggalaw at pagiging unstable ng mga tambak ng basura, pansamantalang itinigil ang rescue operations upang matiyak ang kaligtasan ng mga rescuer.

Sa kabila nito, patuloy namang matiyagang sinusuyod ng mga volunteer at awtoridad ang guho, umaasang may maisasalba pang buhay mula sa trahedyang yumanig sa Barangay Binaliw.

Panoorin ang kabuuan ng ulat ng KMJS sa video sa itaas.