Celebrity Life

Gwen Zamora on being financially ready: "I don't want to count on my future husband"

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 18, 2020 2:46 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Ada speeds up slightly as it moves away from PH
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News



Gusto ni Gwen Zamora na maging financially stable bago siya ikasal. Alamin ang mga pinagkakaabalahan ngayon ng Kapuso actress para maabot ang goal na ito.

Last week ng October nang bumalik sa Pilipinas galing sa Amsterdam, Netherlands si Kapuso actress Gwen Zamora. Nagpunta siya roon dahil hawak niya ang titulong Ambassadress of KLM, isang Royal Dutch Airlines.

Pero bukod sa pagiging bagong Ambassadress ng nasabing airlines, may iba pang pakay si Gwen sa pagbisita sa Amsterdam. Nag-tour daw siya rito at nagpunta sa coffee shops at flea markets dahil nag-hunt siya ng mugs na gagamitin niya sa bagong restaurant business niya. Gusto niya raw kasi na kakaiba ang mugs niya para magmukhang interesting para sa mga customers.

“The restaurant that we're opening, it's more on comfort food like we'll have really good steaks, really good mashed potato, really good pasta. We'll have some salads too,” ani Gwen.

Dagdag pa ni Gwen, magse-serve rin daw ang restaurant ng kanilang signature cocktails. Isang Russian mixologist pa raw ang nagtimpla ng mga ito para unique.

Bubuksan ang “Speak Easy” restaurant ni Gwen bago mag-end ang 2013 at located ito sa Makati City. Business partner niya raw ang kaniyang non-showbiz boyfriend at ilang mga kaibigan.

Napili raw ni Gwen ang business na restaurant dahil mahilig daw siyang magluto. Sa katunayan daw ay pastry chef ang kaniyang ama kaya namana niya ito.

Nang tanungin naman si Gwen kung kailan niya ba balak mag-settle down? “There's no plan of me getting married, unless I am financially ready. Kasi I also wanted to be financially ready on my own. I don't want to count on my future husband,” sagot ni Gwen.

Isa ang restaurant business ni Gwen sa itinuturing niyang factor na tutulong sa kaniya para maging financially ready. Bukod pa rito ay may ilang business pa raw siyang itatayo tulad ng sariling siomai stand at commissary.

Ayon kay Gwen, kaya raw naisip niyang magtayo ng siomai stand dahil paborito raw ito ng boyfriend niya. Binabalak naman daw ni Gwen na magtayo ng isang commissary kapag bumalik na rito sa Pilipinas ang kaniyang ama.

Ang mga business na ito raw ang nagsisilbing preparations niya sa kaniyang future married life.

Catch more of Gwen Zamora on Bubble Gang, every Friday night after GMA Telebabad. For the latest on Gwen Zamora and your favorite Kapuso stars and shows, keep visiting www.gmanetwork.com. - Text by Al Kendrick Noguera, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com