GMA Logo kambal karibal episode 90 recap
What's on TV

Habulan nina Raymond at Allan sa 'Kambal, Karibal'

By Jansen Ramos
Published July 24, 2020 11:07 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Kris Aquino tells followers: ‘I’m alive because of your prayers’
Farm To Table: May masarap na ihahain ngayong Linggo!
Aye The Anchor On Playlist

Article Inside Page


Showbiz News

kambal karibal episode 90 recap


Sinubukang tumakas ni Raymond pero nakorner siya ni Allan habang nasa fire exit ng building.

Sa episode 90 ng Kambal, Karibal, isinuplong ni Vincent (Rafael Siguion-Reyna) si Raymond (Marvin Agustin) sa mga pulis dahil sa pangho-hostage nito kina Crisan (Bianca Umali) at Crisel (Pauline Mendoza).

Akala ni Raymond ay pagtatakpan siya ng kanyang kaibigan dahil malaki ang utang na loob nito sa kanya, ngunit pinili nitong gawin kung ano ang tama.

Nakipagtulungan si Vincent kina Geraldine (Carmina Villarroel) at Allan (Alfred Vargas) para mahuli ang gahamang kriminal.

Sinubukan pang tumakas ni Raymond pero nakorner din siya ni Allan habang nasa fire exit ng building.

Pagdakip ng mga pulis kay Raymond

Muling ipinapalabas ang Kambal, Karibal bilang pansamantalang kapalit ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday.

Ito ay alinsunod sa special programming ng GMA habang naka-community quarantine dahil sa COVID-19.

Patuloy na subaybayan ang hit 2017 series Lunes hanggang Biyernes, 8:35 p.m., sa GMA Telebabad.

Samantala, maaaring mapanood ang full episodes ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday at ng iba pang Kapuso shows sa GMANetwork.com at GMA Network app.