
Inamin ni Sparkle actress Hailey Mendes sa recent episode ng Fast Talk with Boy Abunda na crush niya ang kapwa Kapuso artist na si Yasser Marta.
Sa “Fast Talk” segment ng nasabing programa kahapon (March 1), tinanong ng King of Talk na si Boy Abunda sina Hailey at ang kanyang Underage co-stars na sina Lexi Gonzales at Elijah Alejo kung sino ang kanilang mga crush.
Tanong ni Boy kay Elijah, “Sino ang crush ni Hailey?”
“Si Yasser,” tila patanong na sagot ng teen actress. Kinumpirma naman ito ng Filipina-German beauty nang tanungin siya ni Boy kung guilty or not guilty ba siya na nagkaroon ng crush sa isang co-star.
“Guilty,” sagot ni Hailey.
Nang tanungin ng batikang talk show host kung sino ito, ani ng aktres, “Si Sir Yasser.”
Matatandaan na nagkatrabaho sina Hailey at Yasser noong nakaraang taon sa primetime drama series na What We Could Be. Gumanap ang Kapuso hunk bilang Lucas habang ginampanan ng rising Sparkle artist ang karakter bilang Vera sa naturang serye.
Samantala, inamin din ni Hailey sa "Fast Talk" na si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera ay ang kanyang girl crush.
Kasalukuyang mapapanood si Hailey sa Underage, Lunes hanggang Biyernes, sa GMA Afternoon Prime at Pinoy Hits - Channel 6 ng GMA Affordabox at GMA Now.
Para naman sa iba pang maiinit na showbiz balita, tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda, Lunes hanggang Biyernes, 4:45 p.m. sa loob ng 20 minuto sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.
SILIPIN ANG GEN Z FASHION NI HAILEY MENDES SA GALLERY NA ITO.