GMA Logo Hailey Mendes
What's on TV

Hailey Mendes, maraming mahalagang aral na natutunan sa 'Underage'

By Dianne Mariano
Published May 4, 2023 5:00 PM PHT

Around GMA

Around GMA

World markets face fresh jolt as Trump vows tariffs on Europe over Greenland
No classes in Cebu City, province after Sinulog festivity
Farm to Table: (January 18, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Hailey Mendes


Naging makahuluigan para sa Sparkle actress na si Hailey Mendes ang 'Underage.' Anu-ano nga ba ang mga aral na natutunan nya sa coming-of-age drama?

Iba't ibang mahahalagang aral ang natutunan ni Sparkle star Hailey Mendes mula sa kanyang pinagbibidahang serye na Underage. Kasalukuyang napapanood ang Filipino-German beauty sa nasabing programa kasama ang kapwa Kapuso stars na sina Lexi Gonzales at Elijah Alejo.

Ayon sa Kapuso teen star, isa sa mga natutunan niya ay ang pag-iingat sa paggamit ng social media.

“Huwag ka agad mag-post hangga't hindi ka sigurado, siguro patagalin mo muna at saka mo isipin kung talaga bang dapat i-post or tama ba 'yung sasabihin mo online,” pagbabahagi niya sa interview ng GMANetwork.com.

Bukod dito, isa rin sa mga natutunan ni Hailey sa coming-of-age series ay ang pagkakaroon ng oras para sa pamilya.

Aniya, “'Yung time sa family mo, mas i-manage mo rin. Huwag lang puro work, huwag lang puro friends, kailangan 'yung pamilya mo hindi mo napapabayaan.”

Para kay Hailey, natutunan din niya ang pahalagahan ng pagmamahal sa sarili o ang self-love.

“Kailangan, mahalin mo muna sarili mo bago ka maghanap ng pagmamahal sa iba para alam mo 'yung karapatan mo para sa'yo,” saad niya.

Samantala, inilarawan ni Hailey na "isang malaki at mabigat na ride" ang naging journey niya sa Underage.

Kuwento niya, “Isa siyang malaking, mabigat na ride na kumbaga ang daming pinagdaanan. Sa umpisa po, nangangapa pa ako. Kalagitnaan, nacha-challenge na 'yung talent ko, and sa panghuli naman, sobrang gaan sa pakiramdam. Sobrang saya kasi natagumpayan n'yo 'yung project and marami ka ng bagong kaibigan.”

Subaybayan ang pagtatapos ng Underage, bukas (May 5), 4:05 p.m, sa GMA Afternoon Prime, Kapuso Stream, at Pinoy Hits - Channel 6 ng GMA Affordabox at GMA Now.

Maaari ring i-stream ang full episodes ng Underage sa GMANetwork.com at GMA Network App.

SILIPIN ANG KAPUSO PROFILES SHOOT NINA LEXI GONZALES, ELIJAH ALEJO, AND HAILEY MENDES SA GALLERY NA ITO.