GMA Logo rey valera marco sison pops fernandez hajji alejandro nonoy zuniga
What's Hot

Hajji Alejandro, Nonoy Zuniga, nagka-COVID sa gitna ng 'Four Kings and a Queen' US Tour

By Nherz Almo
Published August 17, 2022 11:05 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Thai esports player expelled from SEA Games for cheating
EXO Chen announces Manila concert in 2026
GMA Network transitions to cloud-based IP distribution via partnership with Synamedia and Telered Technologies and Services Corp.

Article Inside Page


Showbiz News

rey valera marco sison pops fernandez hajji alejandro nonoy zuniga


The Hitmakers na sina Hajji Alejandro, Rey Valera, Marco Sison, at Nonoy Zuniga, kasama si Concert Queen Pops Fernandez, mapapanood sa 'Four Kings and a Queen' concert sa August 26 at 27.

Hindi raw inaasahan ng The Hitmakers na sina Hajji Alejandro, Rey Valera, Marco Sison, at Nonoy Zuniga na tatamaan ang dalawa sa kanilang grupo ng COVID-19 sa kalagitnaan ng Four Kings and a Queen US Tour concert.

Sa ginanap na press conference para sa kanilang Manila show kamakailan, inilahad ni Hajji na nagpositibo siya at si Nonoy sa COVID bago ang show nila sa Las Vegas.

Aniya, "We had to reschedule, yung isang weekend show namin [sa Las Vegas] was pushed back kasi nga nagka-COVID kami."

Para kay Nonoy, isang paalala ang kanilang karanasan na mayroon pa ring pandemya kaya dapat patuloy pa ring mag-ingat.

Sabi niya, "Kumpleto ako sa immunization, two boosters pa ako, pero nagka-COVID pa rin ako, very mild fever. Akala ko hindi na ako magkaka-COVID kasi nga kumpleto na ang boosters ko. Meron pa rin, ingat lang tayo."

Sa kabila nito, masaya naman ang The Hitmakers dahil sold out ang kanilang shows sa Amerika, kung saan kasama nila si Concert Queen Pops Fernandez.

Ani Hajji, "Na-surprise kami doon kasi yung mga tao sa Las Vegas, nandoon pa rin sila. Hundred percent, nandoon sila, we didn't event talked about it, yung nangyari. First time sa amin nangyari yun. We didn't know what was going to happen, ano yung mangyayari, matutuloy pa ba siya."

Ayon naman kay Marco, naramdaman nila ang pagkasabik ng mga Pilipino sa Amerika na makanood ng Filipino artists dahil nahinto ito noong kasagsagan ng pandemya.

Kuwento niya, "Two years, na-miss naming mag-perform individually. Two years, wala ring performance sa Amerika, di ba, yung mga Filipinos. Ako, very memorable sa akin, dahil lagi siyang puno, nararamdaman mo yung pagkasabik.Yung pinakaunang performance was in San Francisco, na sobrang lamig at saka talagang nasa suburbs, medyo malayo mga one or two hours [away], pero nandoon sila.

"Doon mo mararamdaman yung support and the love of the Filipinos to the original Filipino music pati na rin sa artists. Yung support talaga, you can't go wrong talaga with your fellow Filipinos. Nandoon sila, matutuwa ka, mararamdaman mo yung pagkasabik, mararamdaman mo yung support, mararamdaman mo yung love. Ito, hindi lang sa first, pati sa second, third, and fourt [shows].

Sa kabilang banda, dahil naman daw sa naranasan niya noong kasagsagan ng pandemya, tila nag-iba ang pananaw ni Rey sa buhay nang mag-show sila sa US.

Pahayag niya, "Noong nakita ko ang reaksiyon ng mga tao sa 'yo, ng mga kababayan mo, personally, ang feeling ko, parang ang sarap mabuhay. Yung feeling na yun na, let us all celebrate na buhay pa tayong lahat and we survived kung anuman itong pinagdaanan na ito.

At sasabihin ko ngayong sa mga manonood sa amin, 'Ay, mag-enjoy lang tayo, ha. Ang buhay... ngayon nandiyan ka, bukas-makalawa, yung kaibigan mo wala na. Ganun kaiksi at ganun talaga tayo ka-mortal. We cannot say kung ano ang mangyayari bukas kaya sasabihin na lang natin na let's enjoy this one."

Kaugnay nito, pinangako ng grupo na magiging kasingsaya ng kanilang US shows ang Four Kings and a Queen concert sa Newport Performing Arts Theater ng Newport World Resorts (formerly Resorts World Manila) sa August 26 at 27.

"May kaunting pagbawas at may kaunting dagdag kasi mas pagagandahin pa namin," sabi ni Hajji.

"Also, nagkaroon kasi ng time constraint, kapag casino kasi two hours lang. Itong mga 'to, kapag hindi mo pinagbawalan, three days ang two nights ang magiging [concert]. Sa spiel pa lang yun ha, kasi nag-e-enjoy talaga kami. Pero given the time window, nagagawan naman namin ng paraan. Pinipili naman talaga namin ang 'best of' sa mga ginawa namin sa America, yung ang gagawin namin dito sa concert namin."

SAMANTALA, NARITO ANG ILAN PANG CONCERTS SA PILIPINAS NA DAPAT ABANGAN: