
Si Haley Dizon naman ang Kapuso celebrity na bumida sa paghahanap ng makaka-date sa Love Under Cover ng TiktoClock.
Sa kaniyang pagbisita sa TiktoClock at pagsabak sa dating game ng programa, sinabi ni Haley ang hanap niya sa isang lalaki.
Ayon sa aktres, pihikan siya sa pagpili ng boyfriend kaya 22 years old siya noong una siyang magkaroon ng boyfriend.
Kuwento ni Haley, "Gusto ko kasi 'yung lalaking seryoso sa iba, pero sa akin malambing."
Pagkatapos ng ilang rounds na pagkilatis ng cover boys, napili ni Haley si cover boy number one na si Jules.
Saad ni Haley pinili niya si Jules dahil nakita niyang boyfriend, best friend, at husband material ito.
Panoorin ang nakakakilig na paghaharap nina Haley at Jules sa Love Under Cover ng TiktoClock:
Sa mga nais na maka-date ang inyong mga celebrity crush tulad ni Haley, sali na sa Love Under Cover sa TiktoClock. Panoorin ito para sa kabuuang detalye.
Patuloy na subaybayan ang TiktoClock, Lunes hanggang Biyernes 11:00 am sa GMA Network.