GMA Logo Haley Dizon in TiktoClock
PHOTO SOURCE: TiktoClock
What's on TV

Haley Dizon, emosyonal at puno ng pasasalamat sa kaniyang kaarawan sa 'TiktoClock'

By Maine Aquino
Published December 26, 2025 6:29 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Ilang aso, nakaranas ng kalupitan
Mga pang-noche buena at laruan, inihatid ng GMAKF sa mga nilindol bago magpasko | 24 Oras
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

Haley Dizon in TiktoClock


Inilahad ng 'TiktoClock' hosts ang kanilang paghanga sa birthday girl na si Haley Dizon.

Puno ng pasasalamat si Haley Dizon sa kaniyang birthday celebration sa TiktoClock.

Ngayong December 26, napanood ang kaarawan ni Haley sa morning Kapuso variety show. Naging emosyonal naman ang actress-host sa pagbati sa kaniya sa TiktoClock. Saad ni Haley, "Thank you so much po, TiktoClock!"

Haley Dizon in TiktoClock

PHOTO SOURCE: TiktoClock

Pagpapatuloy pa Haley, "Thank you so much po. Maraming maraming episode pa sana 'yung magawa ko kasama kayo."

Ayon din sa Kapuso star, hangad niyang makapagpasaya pa ng mga manonood.

"Sana maraming days pa po na magpasaya para sa ating mga Tiktropa. Thank you so much everyone."

A post shared by TiktoClock (@tiktoclockgma)

Sa episode na ito inilahad ng mga kasama ni Haley sa TiktoClock ang kanilang paghanga sa Kapuso star dahil sa pagiging propesyonal at sipag sa trabaho.

May ikinuwento rin ang TiktoClock host na si Kuya Kim Atienza tungkol kay Haley. Ani Kuya Kim, "Hindi alam ng mga marami sa mga Tiktropa, si Haley, maagang naulila 'yan. So at a very early age, naging very independent 'yan, nakapagpatayo na ng bahay 'yan, kumayod 'yan, hanggang ngayon solo kumakayod 'yan. Ganoon kasipag si Haley."

Samantala, bumisita rin sa TiktoClock at naki-celebrate sa kaarawan ni Haley ang mga kaibigan at Hating Kapatid co-stars nitong sina Vanessa Peña at Vince Maristela.

Patuloy na subaybayan ang TiktoClock, Lunes hanggang Biyernes, 11:00 am sa GMA.

Samantala, balikan ang mga prettiest photos ng Kapuso actress at host na si Haley Dizon: