
Opisyal nang Kapuso ang aktres na si Haley Dizon matapos na pumirma ng kontrata sa Sparkle GMA Artist Center sa naganap na contract signing event, ang "Signed For Stardom," noong November 22.
Sa interview ng GMANetwork.com, sinabi ni Haley kung gaano siya ka-"blessed" na maging isang Kapuso.
"Syempre sobrang blessed ko po. Ako kasi nag-start ako with 'Eat Bulaga' Miss Millennial Philippines at isa ako sa nanalo roon," sabi ni Haley.
Dagdag niya, "To be part of the Sparkle GMA Artist Center [is] really a blessing sa akin po, dream come true, and surreal pa rin s'ya akin. Syempre [maraming] gustong mag-artista pero hindi lahat nakakapasok, and to be one of the artists ng Sparkle sobrang blessed."
Ibinahagi rin ng aktres ang excitement sa mga susunod na roles sa GMA. Aniya, "Expectation ko is to try different roles. Kasi mostly nang naibibigay sa akin as of the moment medyo kontrabida ako.
"Gusto ko naman mag-explore pa like ano naman 'yung feeling na ako 'yung kinakawawa, ano naman 'yung feeling na bestfriend ako, 'yung mga ganu'n. To be honest what I want to be is a character actor. Gusto ko talaga maka-experience ng different characters para mas maging mahusay pa ako pagdating sa craft ko which is acting."
Noong March, napanood si Haley bilang Charlene sa GMA Telebabad series na Mano Po Legacy: Her Big Boss, na pinagbidahan nina Bianca Umali, Ken Chan, at Kelvin Miranda.
Bukod sa drama series, gusto ring masubukan ni Haley ang fantasy series at makatrabaho roon ang hinahangaan niyang aktres na si Andrea Torres.
"Kasi nakasama ko s'ya sa workshop and sobrang galing n'ya talaga roon so I can't imagine kung paano pa s'ya sa set. S'ya si Sisa sa Maria Clara at Ibarra and nakikita ko talaga 'yung mga acting n'ya roon, sobrang galing n'ya. I can't wait to work with her," kuwento ni Haley.
MAS KILALANIN SI HALEY DIZON SA GALLERY NA ITO: