GMA Logo Hamon ng Kampeon sa TiktoClock
What's on TV

'Hamon ng Kampeon,' bagong aabangan sa 'Tanghalan ng Kampeon' sa 'TiktoClock'

By Maine Aquino
Published June 3, 2025 6:49 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Nine Cavs hit double figures during blowout of Pelicans
This show from Seoul features dashing oppas and will debut in Manila
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes

Article Inside Page


Showbiz News

Hamon ng Kampeon sa TiktoClock


Abangan ang exciting na twist ng 'Tanghalan ng Kampeon' na "Hamon ng Kampeon."

Mas pinatindi ang tapatan ng mga kampeon sa Tanghalan ng Kampeon 2025 dahil sa “Hamon ng Kampeon.”

Ang exciting na “Hamon ng Kampeon” ay mapapanood na ngayong Miyerkules (June 4) sa TiktoClock.

Ngayong 2025, mula sa lima, walong panalo na ang kinakailangan ng mga Pilipinong may pusong kampeon para makakuha ng pwesto sa grand finals. Bukod dito, mas malaking hamon pa ang haharapin ng mga kampeon.

Ayon sa TiktoClock, "Sa oras na may limang grand finalists na nakapwesto sa grand finals, isang bagong pagsubok ang pagdadaanan ng kampeon ngayon. Upang makuha ang inaasam na ikawalong panalo.

Mula sa limang nakapwesto, pipili ang kampeon ngayon ng isang grand finalist na hahamunin at silang dalawa ang maghaharap sa one-on-one bakbakan."

Hamon ng Kampeon sa TiktoClock

Sa “Hamon ng Kampeon” magbabalik sina LA Escobar, Baron Angeles, Trish Bonilla, Julius Cawaling, at Gia Vecino.

Ngayong June 3 ay nakapitong panalo na si Justin Herradura. Tutukan kung magtatagumpay si Justin na makaagaw ng pwesto sa grand finals ngayong June 4.

Sabay-sabay nating saksihan ang pagalingan sa kantahan sa “Hamon ng Kampeon” ngayong June 4 sa TiktoClock, 11:00 a.m. sa GMA.