
"Excited but at the same time nervous," pahayag ni Pauleen kay Regine Velasquez-Alcasid sa 'Sarap Diva.'
By ANN CHARMAINE AQUINO
Sa Despedida de Soltera na handog ng Sarap Diva kay Pauleen Luna, ibinahagi ng soon-to-be-bride ang kanyang pakiramdam ngayong ikakasal na siya kay Vic Sotto.
LOOK: 'Sarap Diva's' Despedida de Soltera for Pauleen Luna
"Excited but at the same time nervous," pahayag ni Pauleen kay Regine Velasquez-Alcasid.
Dagdag pa niya, "Stressed, hindi at saka Ate, iba pala 'yung feeling na... kasi all my life I've lived with my parents. Iba pala 'yung pakiramdam na aalis ka na. Nakakaiyak."
READ: Ano ang mga katangian ni Vic Sotto na nagustuhan ni Pauleen Luna?
Kuwento pa ni Pauleen, iba ang pakiramdam na magbabago na ang kanyang buhay kapag kinasal na siya. Aniya, "Alam ko na kasi na papunta na ako sa iba."
Isa umanong pangarap ang haharapin ni Pauleen sa kanyang kasal ngayong January 30.
"I can't wait na dumating na 'yung araw na matagal naming pinangarap. Matagal namin plinano at inasikaso. I really can't wait. And, I can't wait for God's surprises. I'm sure marami."
Ayon kay Pauleen ang kaba niya ay may kinalaman lamang sa paglalakad niya sa aisle. "Kinakabahan ako baka madapa ako," natatawang kuwento niya.
Handa na nga ba sa married life si Pauleen?
"I think I am. Wala talagang alam kung ano 'yung gagawin just get there and figure it out."