GMA Logo Lolong
What's on TV

Handa na para sa digmaan ang mga Atubaw sa 'Lolong'

By Marah Ruiz
Published August 22, 2022 3:32 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Labi ng OFW na nakitang patay sa kaniyang kuwarto sa Abu Dhabi, naiuwi na sa Iloilo
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News

Lolong


Narito na ang pinakahihintay na digmaan sa pagitan ng mga Atubaw at ng mga Banson sa 'Lolong.'

Magsisimula na ang dambuhalang digmaan sa top-rating primetime action-adventure series na na Lolong.

Natunton na ng mga Banson ang Tinago pero handa na rin ang mga Atubaw para harapin sila.

Dito maghaharap sina Lolong (Ruru Madrid) at Martin (Paul Salas) na hindi pa rin matanggap na isa rin siyang Atubaw.

May alam si Narsing (Bembol Roco) tungkol sa sinapit ng mga Atubaw sa Isla Pangil na ngayong lang niya aaminin kay Karina (Rochelle Pangilinan).

Samantala, kailangan pumili ni Lolong kung sino kina Narsing at Isabel (Malou de Guzman) ang sasagipin niya mula sa kamay nina Armando (Christopher de Leon) at Dona (Jean Garcia).

Patuloy na panoorin ang dambuhalang adventure-serye ng primetime na Lolong, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.