GMA Logo Hannah Precillas and Daryl Ong
What's on TV

Hannah Precillas at Daryl Ong, sino ang inspirasyon sa pagkanta?

By Kristine Kang
Published November 15, 2024 10:29 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Easterlies continue to affect PH with cloudy skies, rain showers
Suspect in killing of farmer in GenSan nabbed
Daig Kayo Ng Lola Ko: Download Mommy (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News

Hannah Precillas and Daryl Ong


Ikinuwento nina Hannah Precillas at Daryl Ong kung paano nagsimula ang kanilang pagmamahal sa pagkanta at kung sino ang naging inspirasyon nila.

Kilalang magagaling na mang-aawit sa industriya ang judges ng "Tanghalan ng Kampeon" na sina Hannah Precillas at Daryl Ong.

Parehong produkto ng singing contests sina Hannah at Daryl. Si Hannah ay itinanghal na winner ng Bet ng Bayan noong 2014. Samantala, suki naman ng singing contests si Daryl. Sa katanuyan, sumali sya sa Pinoy Pop Supertar (2005), Pinoy Idol (2008) at The Voice of the Philippines (Season 2). Dahil sa kanilang natatanging talento sa entablado, binansagan silang Kapuso OST Princess at Asia's Pop Balladeer.

Sa kanilang panayam sa Fast Talk with Boy Abunda noong Biyernes (November 15), ibinahagi nina Hannah at Daryl ang kuwento sa likod ng kanilang tagumpay sa musika. Ayon sa kanila, pareho silang nagpapasalamat sa kanilang mga ina bilang pangunahing inspirasyon sa kanilang mga karera bilang mang-aawit.

Ayon kay Daryl, natutunan niyang mahalin ang musika dahil sa kanyang ina. Aktibo kasi ito sa simbahan bilang miyembro ng choir, kaya't doon nabuo ang kanyang kumpiyansa sa pag-perform sa harap ng maraming tao.

"Nag-start ang hilig kong kumanta dahil sa nanay rin, e. 'Yung mom ko kumakanta sa church so ako bilang mama's boy, lagi ako nakabuntot sa nanay ko. Akala ko normal na kumakanta sa harap ng maraming tao. Kaya ' yung confidence ko parang siguro na nakita ko na, 'Ah! Normal lang pala kumanta sa maraming tao,' " paliwanag ni Daryl.

Samantala si Hannah naman, aminadong ang hilig niya talaga noon ay ang pagsasayaw.

"Sa pagkakaalala ko, sayaw po talaga ang una kong minahal. Nagulat lang din ang mama ko na biglang minahal ko rin ang pagkanta at iyon na rin ang naging career ko hanggang ngayon," sabi niya. "Nalaman ko na lang na siguro mahusay ako kumanta noong nakikita ko na 'yung nanay kong pumapalakpak sa akin."

Ngayon, patuloy ang dedikasyon nina Hannah at Daryl sa kanilang mga craft bilang singers. Higit pa sa kanilang sariling tagumpay, nais din nilang ibahagi ang kanilang talento at passion sa contestants ng "Tanghalan ng Kampeon" sa TiktoClock.

IN PHOTOS: TiktoClock's 'Tanghalan ng Kampeon' Season 2 Grand Finalists