What's on TV

Hannah Precillas, binansagang OST Princess dahil sa kanyang kantang "Kanlungan"

By Dianne Mariano
Published September 1, 2021 6:57 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Marcos to Palace employees: Stay focused amid the political noise
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Hannah Precillas


Ano nga ba ang kuwento sa likod ng title na OST Princess ni Hannah Precillas? Alamin ang kuwento dito:

Ibinahagi ni Kapuso singer Hannah Precillas na isa sa mga dahilan kung bakit siya natawag na “OST Princess” ay sa kantang “Kanlungan.”

Sa episode ng Hangout nitong Martes, Agosto 31, pinaka-memorable raw kay Hannah ang kantang “Kanlungan” na kanyang inawit bilang theme song ng GMA drama series na Kambal, Karibal.

Hannah Precillas

Hannah Precillas shares her most memorable song on the latest episode of Hangout. / Photo courtesy: Hangout

Kuwento niya, “Pinaka-memorable siguro 'yung 'Kanlungan' na kinanta ko for Kambal, Karibal na theme song kasi doon talaga nagsimula ang lahat na tinawag akong OST Princess.

“Doon ako napansin ng mga tao, naging curious sila about me tapos nagsimula silang mag-search, i-Google nila kung sino ako, ano yung mga nagawa ko na.

“So doon talaga nagstart and 'yon ang dahilan. Kumbaga isa sa mga dahilan kung bakit ako natawag na OST Princess at minahal ng mga tao yung mga kinata kong mga sumunod na mga theme songs.”

Ibinahagi din ni Hannah na sa murang edad ay nakitaan na siya ng potential sa pag-awit ng kanyang ina.

“Actually kasi ang sabi ni mama, natuto daw ako, parang nakitaan daw niya ako ng potential noong mga 3 years old, 4.

“Basta medyo marunong na ako magsalita and then ang ginagawa ko daw is kapag kung ano 'yung huli kong narinig na song--'yung tono--kapag nagsasalita ako, may sasabihin ako, ia-apply ko 'yon,” pagbahagi ni Hannah.

Nagsimula naman siya sumali sa mga singing competition noong six years old lamang ito.

“Professionally, nagstart akong kumanta [sa] mga competition, 6 years old. Nagsimula siya sa school, mga school programs, doon ako nagstart na sumali sa mga singing contests.

“And hanggang sa medyo malakihan na barangay hanggang sa buong town na namin, mga ganon. Mga ganoong edad siguro 6 or 7.”

Alamin pa ang journey at experiences ni Hannah Precillas bilang isang singer sa episode ng Hangout sa itaas.

Samantala, kilalanin pa nang mabuti ang OST Princess na si Hannah Precillas sa gallery na ito: