What's Hot

Hannah Precillas, gustong sumali muli sa international singing competition

By Maine Aquino
Published October 9, 2020 1:54 PM PHT
Updated October 16, 2020 1:02 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Klay Thompson eclipses 17,000 career points as Mavs roll past Jazz
Sinulog Festival 2026: The GMA Regional TV Special Coverage
'Heated Rivalry' star Hudson Williams makes runway debut at Milan Fashion Week

Article Inside Page


Showbiz News

Hannah Precillas


Matatandaang sumali si Hannah Precillas sa international singing competition na Dangdut Academy (D'Academy) Asia 5 at nanalong 2nd runner-up noong 2019.

Inamin ni Hannah Precillas na gusto niya muling sumali sa international singing competition kung mabibigyan ng pagkakataon.

Ayon sa Kapuso OST Princess, masaya siya na naging representative ng bansa sa huling competition na kanyang sinalihan, ang Dangdut Academy (D'Academy) Asia 5. Dito tinanghal si Hannah bilang 2nd runner-up.

Credit: @hannahprecillas

"Ang sarap sa feeling kaya na tatayo ka sa stage tapos sasabihin, Philippines!" Kuwento ni Hannah sa Zoomustahan nitong October 7.

Nakakatuwa na maging representative ng bansa sa isang competition.

"Parang hindi ka lang mag-isa e. Ang iniisip ko may mga Pilipino na nanonood tapos proud na proud sila sa'yo."

Saad ni Hannah, kung bibigyan siya ng pagkakataon ay sasali siya ulit sa isang international singing competition.

"Ako, siyempre walang problema. Gusto ko pang sumali. Kasi napatunayan ko sa sarili ko na ay kaya ko naman pala, na dati nagkakaroon ako ng doubt na baka hindi ko kaya. Ngayon na nangyari nga 'yung ganun, parang gusto ko pang sumali ulit."

Nagtapos ang competition na sinalihan ni Hannah sa Indonesia nitong December 2019.

Sa mga nais sumali sa Kapuso Brigade, i-message lamang ang kanilang social media accounts sa Facebook, Twitter, at Instagram @kapusobrigade.

ALSO READ:

Hannah Precillas releases new single 'Sabi Ko Na Nga Ba'

Hannah Precillas performs 'Sabi Ko Na Nga Ba' on 'Unang Hirit'