
Ang awit na "Pagmamahal Mo Lang" ang official theme song ng pinakabagong GMA Telebabad series ng Legal Wives.
Ang tinig sa likod ng kanta ay si Kapuso OST Princess Hannah Precillas.
Si Hannah din ang umawit ng mga official theme songs ng GMA teleseryeng Kambal, Karibal, Onanay at marami pang iba.
"Ikaw lang ang lakas sa magulong mundo
"Kaya naririto ang puso ko, umaasa na hihilumin mo
"Pagmamahal mo lang ang nais ko," maririnig sa lyrics ng kanta.
Si Rina L. Mercado ang nag-compose ng kanta habang si Harry Bernardino ang nag-mix nito.
Ang "Pagmamahal Mo Lang" ay distributed ng GMA Playlist.
Samantala, ang Legal Wives ay kuwento ng isang kakaibang pamilya kung saan pakakasalan ng isang lalaki ang tatlong magkakaibang babae dahil sa iba't ibang mabibigat na dahilan.
Tampok dito sina Alice Dixson, Andrea Torres, Bianca Umali at Kapuso Drama King Dennis Trillo.
Tunghayan ang Legal Wives, Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng The World Between Us sa GMA Telebabad.