
Bigating performances ang hinandog ng world class singers na sina Kapuso OST Princess Hannah Precillas at Kapamilya stars na sina Jex De Castro at Jed Madela sa noontime program na It's Showtime.
Nitong Huwebes (June 13), humanga ang lahat sa awitin ng tatlong champion singers, kung saan ipinamalas nila ang kanilang taglay na galing sa pagkanta at pagbirit.
Umpisa pa lang, mala world class na ang kanilang opening song ng "Stop! In the Name of Love" dahil sa kanilang powerful vocals at blending.
Sinundan kaagad nito ni Jex ng pagawit ng "When You Tell Me That You Love Me," kung saan maraming madlang Kapuso ang naki-sing along sa singer.
Mas sumaya at humanga ang netizens nang binirit naman ni Hannah ang bigating song na "Touch Me in the Morning" at na-in love sa harana ni Jed ng "Do You Know Where You're Going To."
Pagkatapos ng kanilang kantahan, naghiyawan at pumalakpak ang madlang audience sa kanilang outstanding performance. Pinuri rin sila ng mga host, lalo na't first time nilang kumanta magkakasama on-stage.
"Nakikita mo siguro ngayon ate Karylle na medyo teary-eyed ako sa sobrang saya. Ang saya na makasama ko sila na parang matagal ko nang pinangarap ko talagang maka-collab at makasama silang mag-perform," sabi ni Hannah.
Pinuri naman ni Jed ang Kapuso singer, "Ang galing-galing ni Hannah. First time ko siyang nakasama, nakasabay at hindi ka puwedeng medyo malamya-lamya kasi grabe, grabe ang boses."
Para naman kay Jex, masaya siya na makapag-perform kasama ang dalawang singers. Bilang dating contestant sa "Tawag ng Tanghalan," proud siya na makapag -erform kasama ang kaniyang dating hurado na si Jed. Bilang Kapamilya naman, masaya si Jex na makasama on-stage ang isang Kapuso singer.
Aniya, "Masaya sa pakiramdam kasi bilang produkto ng Tawag ng Tanghalan, dito 'yung hurado (si Jed), tapos first time to be singing with a Kapuso star as well. Bilang isang Kapamilya at Kapuso, magkakasama, so [ang] sarap sa pakiramdam."
Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado sa oras na 12 noon sa GMA, GTV, at iba pang Kapuso platforms.