
Sikat na sikat ngayon sa TikTok ang Dancing Queen challenge kung saan kinakailangang kantahin ang bahagi ng chorus ng ABBA hit song sa loob ng isang hingahan lamang.
Meron nang 93 million views ang hashtag na #dancingqueenchallenge na may libu-libong entries mula sa mga singer sa iba't ibang panig ng mundo.
Siyempre, hindi nagpahuli ang Kapuso artists sa trending challenge na ito!
Maning-mani lang kay Kapuso OST Princess Hannah Precillas ang Dancing Queen challenge na kinanta niya lang habang nakaupo.
@hanprecillas Just trying this trend. #dancingqueenchallenge #onebreathchallenge
♬ original sound - Hannah Precillas
Hindi rin nagpakabog sa challenge ang First Yaya actress at komedyanteng si Kakai Bautista.
@kakaiba_02 #dancingqueenchallenge #fyp #foryoupage #tiktokphilippines #dojakakai
♬ original sound - Kakai Bautista
Expectation vs. reality naman ang naging dating ng kwelang version ni Ashley Rivera a.k.a Petra Mahalimuyak na kinuhaan niya pa raw sa loob ng banyo.
Dito, ini-stitch niya ang nauna nang TikTok ni Kakai at sinubukang tapatan ang aktres.
"Sabi ko nga sa inyo dapat lasing 'yung mga nakikinig sa'kin para maganda eh."
Sa dulo ng video, sumuko na lang si Ashley at sinabing: "Ayoko na, stick na lang talaga ako sa acting."
@petrashley #stitch with @Kakai Bautista tinanggap ko nang wala akong future sa pagkanta 🥲 #dancingqueenchallenge
♬ original sound - Petra Mahalimuyak
Kumasa rin ang iba pang celebrities at TV personalities sa Dancing Queen challenge kagaya na lang nina Janno Gibbs at Bing Loyzaga.
Bukod sa nagawa nila itong kantahin nang isang hingahan lamang ay nakuha pa nilang makapag-harmonize sa isa't isa.
May entries din sa nasabing challenge sina Gab Pangilinan, Jayda Avanzado, Moira dela Torre, Alex Diaz, The Clash alumna Sassa Dagdag at ang Filipino folk band na Ben & Ben.
Tingnan ang iba pang celebrity-approved TikTok trends sa gallery na ito: