GMA Logo Hannah Precillas
What's Hot

Hannah Precillas, kinikilig sa suportang natatanggap mula sa Indonesia

By Cara Emmeline Garcia
Published October 7, 2020 5:56 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cardinal David: Show kindness, compassion
Bagong steel hanging bridge, handog ng GMA Kapuso Foundation sa Rodriguez, Rizal | 24 Oras
Hospitals activate Code White on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

Hannah Precillas


Ramdam ni Hannah Precillas ang pagmamahal ng kanyang Indonesian fans kahit matagal na siyang nakauwi sa Pilipinas.

Matapos siyang magwagi bilang 2nd Runner-up sa D' Academy Asia 5, ramdam pa rin ni Hannah Precillas ang pagmamahal ng kanyang Indonesian fans kahit na nakauwi na siya sa bansa.

Kuwento niya sa GMA Viber Community, malaki ang pasasalamat niya dahil na-appreciate ng mga ito ang kaniyang talent kahit siya ay isang dayuhan.

“Siyempre nakakatuwa na ang ibang lahi ay nakaka-appreciate sa talent ko,” saad ni Hannah.

“Sa lahat ng effort na ginawa ko habang nasa Indonesia ako at lahat ng hirap [na dinanas] ko, ay parang napawi din kasi nakikita ko yung suporta nila.

“Kahit na nakauwi at nakabalik na ako ng Pilipinas nandiyan pa rin sila. Palagi nilang kinakamusta ako sa social media and they're very active sa pagko-comment at pagla-like ng mga post ko.”

Bagamat may pandemya, busy pa rin sa pag-promote si Hannah ng kanyang latest single under GMA Music na “Sabi Ko Na Nga Ba.”

Hindi raw naging madali para sa kanya ang maging one woman team lalo na't kinailangan niya itong gawin at i-promote mula sa sarili niyang bahay.

“Siyempre mahirap po siya for me. Lalo na with the cameras at sa audio na ikaw gagawa lahat,” aniya.

“Mahirap 'yon kasi parang naninibago ako at nag-a-adjust pa lang ako sa kung anu-ano 'yung mga dapat gawin kasi work-from-home nga tayo ngayon.

“Thankfully, kinaya naman at laban lang.”