
Ipinagdiwang ng cast at crew ng GMA Afternoon Prime series na Haplos ang tagumpay ng kanilang katrabahong si Rocco Nacino.
Hinandugan nila ng isang cake si Rocco na katatapos lang ng kanyang masters degree sa nursing at nakatakda pang magtapos na cum laude.
"Wasn't expecting this. Thank you for the love Team Haplos! Napakasarap ng merienda for today," sulat ni Rocco sa kanyang Instagram account.
Samantala, patuloy na panoorin si Rocco bilang Gerald sa Haplos, Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Impostora sa GMA Afternoon Prime.