
Sa November 19 episode ng Magkaagaw, hindi inaasahan ni Jio (Jeric Gonzales) na siya pa ang magkakasala kay Clarisse (Klea Pineda) matapos niyang akusahan ito ng pagkakaroon ng kalaguyo.
Sasagarin naman ni Veron (Sheryl Cruz) ang kanyang paghihiganti sa pamamagitan ng paulit-ulit na pang-aakit kay Jio hanggang mahulog ang loob nito sa kanya.
Malaman kaya ni Clarisse ang namagitang one night stand ni Jio at ang boss nito?
Panoorin ang episode highlight ng Magkaagaw:
Huwag palampasin ang mas umiinit na istorya ng Magkaagaw, Lunes hanggang Sabado, pagkatapos ng Eat Bulaga sa GMA Afternoon Prime.