Handog ng GMA Network ang kuwento na magbibigay kulay at saya sa bawat gabi ng manonood simula Nobyembre 16 sa GMA Telebabad.
Happy Lang! Pagdating sa pamilya, walang dapat naiiwan. Kahit simple lang ang buhay, basta sama-sama ang buong pamilya, happy lang!
Ang pamilyang Batongbuhay, San Pedro, at Vallejo ang bumubuo sa pinakamasaya na family drama series sa primetime na tiyak na kapupulutan natin ng aral, ang Little Nanay.
Handog ng Entertainment TV drama group ng GMA Network ang kuwento ng Little Nanay na magbibigay kulay at saya sa bawat gabi ng manonood simula Nobyembre 16 sa GMA Telebabad.
Ang mga Batongbuhay ay sina Lolay Annie (Nora Aunor), isang cool at astig na lola na hanggang ngayon ay nagbabanda pa! Asawa ni si Loloy Berto (Bembol Roco), isang retiradong Major na ngayo’y House Lolo na. Ang magkapatid na sina Peter Parker (Mark Herras) na masinop sa pera at si Bruce Wayne (Juancho Triviño) na mahilig mag artista. Bunsong kapatid nila si Tinay (Kris Bernal).
Kapitbahay ng pamilya Batongbuhay ang pamilya San Pedro.
May isang anak si Edgar San Pedro (Keempee de Leon) at asawa nitong si Vivian (Gladys Reyes), si Archie (Hiro Peralta). Kaedad din ni Tinay si Archie na kabarkada rin nina Peter Parker at Bruce Wayne. Dahil magkababata, magiging close sina Archie at Tinay. Magiging tagapagtanggol pa ni Tinay si Archie sa mga nang-aapi dahil sa kanyang kundisyon.
Hanggang sa pagdadalaga’y best friend pa rin ang turing ni Tinay kay Archie, parang kuya na rin niya ito dahil isip bata si Tinay. Hanggang may mangyayari kina Archie at Tinay. Gusto ni Lolay Annie na ipakulong si Archie sa ginawa niya kay Tinay pero makukumbinsi sila ni Berto na ang pinakamabuting solusyon ay ang ipakasal sina Archie at Tinay. Pagkatapos ng kasal ay itatakas ni Vivian si Archie papunta sa Amerika kung saan nila makikilala si Beatrice (Winwyn Marquez).
Dahil wala nang habol kay Archie, hindi na itutuloy nina Berto at Annie ang pagsampa ng kaso laban dito. Magde-decide ang buong pamilya na di nila pababayaan si Tinay, gagabayaan nila ito sa pagbubuntis hanggang sa pagpapalaki niya ng anak.
Babae ang magiging anak ni Tinay, Chiechie (Chlaui Malayao) ang ipapangalan niya rito. At kabaligtaran ni Tinay, bata pa lang ay kinakitaan na ng talino si Chiechie, mas mature itong mag-isip kesa sa mga kaedad niya. Kaya naman sina Lolay Annie, Loloy Berto, Peter Parker at Bruce Wayne, lahat sila’y tuturuan si Tinay kung paano maging nanay kay Chiechie.
Sa kabilang banda, hinahanap din pala si Tinay ng kanyang lolo na si Don Miguel (Eddie Garcia). Ngunit ayaw na ni Auntie Helga (Sunshine Dizon) na mahanap pa si Tinay dahil makakahati pa niya ito sa atensyon ng papa niya.
Paano kung magbalik si Archie at agawin niya si Chiechie mula kay Tinay? Paano na sina Tinay at Chiechie? Mabubuo pa ba ang pamilya ng ating Little Nanay o tuluyan itong masisira ng mga taong nakapaligid sa kanya?
Ito ang kuwento nina Tinay at Chiechie at nina Lolay Annie, Loloy Berto, Peter Parker, Bruce Wayne, Archie, Edgar at Vi, Beatrice, Atty Gerald, Stanley, Helga at Don Miguel.
Ito ang kwento ng Little Nanay.
Ang seryeng ito ay binubuo ng mga tinitingala at respetadong artista sa industriya na pinangungunahan ng premyadong aktres na siyang pamantayan sa husay sa pag-arte sa larangan ng Philippine show business, ang nag-iisang Superstar Ms. Nora Aunor; kasama rin sina Mr. Bembol Roco, Mark Herras, Juancho Triviño, Chlaui Malayao, at Kris Bernal. Itinatampok din sina Keempee de Leon, Gladys Reyes, Winwyn Marquez, Hiro Peralta, Rafa Siguion-Reyna, Jinri Park. Gayundin sina Ms. Sunshine Dizon, Paolo Contis, Renz Fernandez, at ang nag-iisang Manoy ng pelikulang Pilipino – award-winning actor Eddie Garcia.
Mula sa direksyon ni Ricky Davao, huwag palampasin ang Little Nanay ngayong Nobyembre 16 sa GMA Telebabad.