GMA Logo happy together recap
What's on TV

Happy ToGetHer: Bakit nagulat si Jenny nang makita ang kanyang ama?

Published January 18, 2022 4:00 PM PHT

Around GMA

Around GMA

From DongYan to Carla Abellana, here are some 2026 celebrity predictions by a Feng Shui expert
YEARENDER: Calamities that hit W. Visayas, NegOcc in 2025
Heart Evangelista teases new project on social media

Article Inside Page


Showbiz News

happy together recap


Tila hindi happy si Jenny (Faith da Silva) nang makita ang kanyang ama. Ano ang nangyari sa relasyon ng dalawa?

May kurot sa puso ang episode ng Happy ToGetHer last Sunday nang makilala ni Julian (John Lloyd Cruz) ang tatay ni Jenny (Faith da Silva).

Nagulat mismo ang dalaga nang makasalubong nila ang kanyang ama at bigla itong tumakbo palayo.

Naikuwento ni Jenny na napariwara ang buhay ng kanyang ama, na naging sanhi ng unti-unting paglayo ng loob niya sa magulang.

Pinayuhan naman ni Julian si Jenny tungkol sa kanyang tatay at sinabing huwag susukuan ang taong gustong magbago.

Aniya, “Pasensya ka na kung parang nakialam ako, ha. Ayoko lang kasi na sukuan mo 'yung mga taong gusto magbago, ayoko lang sukuan mo ang pamilya mo.”

Balikan kung paano inayos ni Julian ang buhay ng ama ni Jenny sa episode na ito ng Happy ToGetHer.

Heto pa ang ilan sa trending scenes sa pilot episode ng Happy ToGetHer last January 16.

Nanay Pining, ang tinderang mainitin ang ulo!

Trashtalk-an lang, walang sampalan!

Julian, ang fixer ng buhay ni Jenny

Ang Happy ToGetHer ay nasa ilalim ng direksyon ni Direk Edgar “Bobot” Mortiz at patnubay ng executive producer na si Joy Dulce at associate producer na si Maria Teofila Dueñas.

Kasama sa creative team sina Jafet Tutanes bilang Director of Photography (DOP), head writer na si Sherwin Buenavida, at mga manunulat na sina Badji Mortiz, Ricky Victoria, Ays de Guzman, Joaquin Acosta, Rolf Mahilom, at brainstormer na si Miles Ocampo.

Kilalanin ang cast ng Happy ToGetHer dito: