
Mabusisi ang ginawang paghahanda ng pamilya at mga kaibigan ni Julian (John Lloyd Cruz) para sa birthday ng anak nito na si Zack.
Mula sa games at costume, sinigurado nang lahat na magiging special ang selebrasyon para sa pinakamamahal na anak ni Julian.
Pero sumablay sa pagbabayad ng kuryente si Joey (Vito Quizon), kaya tuluyang naputulan sila ng kuryente.
Paano na ang online birthday party ni Zack?
Umamin kaya ang binata sa kasalanan nito sa kanyang Kuya Julian (John Lloyd Cruz)?
Heto pa ang ilan sa trending scenes sa Sunday night episode ng Happy ToGetHer last February 13.
Game face on sa batuhan ng icing!
Fit na fit na ang costume ni Rocky!
Nanay Pining, beast mode sa electricity provider!
Ang Happy ToGetHer ay nasa ilalim ng direksyon ni Direk Edgar “Bobot” Mortiz at patnubay nina Executive Producer Joy Dulce at Associate Producer Maria Teofila Dueñas.
Kasama sa creative team sina Jafet Tutanes bilang Director of Photography (DOP), head writer na si Sherwin Buenavida, at mga manunulat na sina Badji Mortiz, Ricky Victoria, Ays de Guzman, Joaquin Acosta, Rolf Mahilom at brainstormer na si Miles Ocampo.