
Dalawang naggagandahan at multi-talented actresses ang bibisita sa Happy ToGetHer this Sunday night, June 19.
Determinado ang officemate ni Julian (John Lloyd Cruz) na si Pam (Ashley Rivera) na magbakasyon sa Korea, pero papayagan lang siya ni Boss Oca kung makakahanap siya ng temporary placement.
Dadalhin ni Pam sa motorshop si Crystal (Claire Castro) na talagang magpapakitang gilas sa lahat.
Mawalan kaya ng trabaho ng tuluyan si Pam at ipalit sa kaniya si Crystal?
Samantala, iko-comfort naman ni Julian ang pinsan niya na si Jamie (Ritz Azul) na isang segment producer na may problema sa trabaho.
Nasulot kasi ng isang newbie sa kanilang kumpanya ang pangarap niya maging field reporter.
Paano kaya siya matutulungan ng mga kaibigan ni Julian na makagawa ng isang istorya na puwede niya i-feature sa kaniyang show?
Abangan sina Claire Castro at Ritz Azul sa Happy ToGetHer, ngayong Linggo ng gabi, June 19 before Kapuso Mo, Jessica Soho.
Alamin kung sinu-sino ang co-stars ni John Lloyd Cruz sa hit Kapuso sitcom sa gallery na ito!