
Iba ang lakas ng charisma ng sexy na bisita ni Nanay Pining (Carmi Martin) na si Eba (Ana Jalandoni).
Pero mukhang magdudulot ng gulo sa lugar nila Julian (John Lloyd Cruz), ang magandang babae, matapos mag-alok ng haircut services.
Bakit kaya biglang sinugod si Eba ng mga misis ng kaniyang customer?
Maayos kaya ni Julian ang gusot na ito?
Balikan ang mga nangyari sa Happy ToGetHer sa episode nitong October 16 sa video below.
Eba, paranas naman ng gupit mo!
Heto pa ang ilan sa trending scenes sa Sunday night episode ng Kapuso sitcom below.
Babaeng barbero na mabango, is that possible?!
Kahit kalbo, pipila pa rin para magupitan lang ni Eba!
Ang nakapapakong ganda ni Eba!
Ang Happy ToGetHer ay nasa ilalim ng direksyon ni Direk Edgar “Bobot” Mortiz at patnubay nina Executive Producer Joy Dulce at Associate Producer Maria Teofila Dueñas.
Kasama sa creative team sina Jafet Tutanes bilang Director of Photography (DOP), head writer na si Sherwin Buenavida, at mga manunulat na sina Badji Mortiz, Ricky Victoria, Ays de Guzman, Joaquin Acosta, Rolf Mahilom, at brainstormer na si Miles Ocampo.