
May sexy na magbabalik sa Happy ToGetHer, ngayong Linggo ng gabi.
Muling mabibighani ang mga kaibigan ni Julian (John Lloyd Cruz) kay Eba (Ana Jalandoni).
At mukhang suwerte sila, dahil may ino-offer ang magandang dalaga na haircut service.
Samantala, pinagduduhan naman si Pam (Ashley Rivera) ang kaniyang boyfriend. Hindi rin nakatulong nang magkuwento si Mike (Jayson Gainza) kung paano nagche-cheat ang mga lalaki!
Tama kaya ang kutob ni Pam sa kanyang kasintahan?
Mag-relax habang nanonood ng Happy ToGetHer, before Running Man Philippines sa oras na 6:50 p.m. ngayong October 16.
KILALANIN ANG MGA KARAKTER SA HIT KAPUSO SITCOM DITO: